1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh: {Innā lillāhi wa-inna ilayhi rāji`ūn. (Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.)} (Qur'ān 2:156) [at] “Allāhumma -'jirnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (O Allāh, magpabuya Ka sa akin sa kasawiang-palad ko at magpahalili Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)"} malibang magpapahalili si Allāh para sa kanya ng higit na mabuti kaysa rito."}

عَنْ أُمِّ سَلَمَةَ أُمِّ المؤْمنينَ رَضيَ اللهُ عنها أَنَّهَا قَالَتْ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ:
«مَا مِنْ مُسْلِمٍ تُصِيبُهُ مُصِيبَةٌ فَيَقُولُ مَا أَمَرَهُ اللهُ: {إِنَّا لِلهِ وَإِنَّا إِلَيْهِ رَاجِعُونَ} [البقرة: 156]، اللَّهُمَّ أْجُرْنِي فِي مُصِيبَتِي، وَأَخْلِفْ لِي خَيْرًا مِنْهَا، إِلَّا أَخْلَفَ اللهُ لَهُ خَيْرًا مِنْهَا»، قَالَتْ: فَلَمَّا مَاتَ أَبُو سَلَمَةَ قُلْتُ: أَيُّ الْمُسْلِمِينَ خَيْرٌ مِنْ أَبِي سَلَمَةَ؟ أَوَّلُ بَيْتٍ هَاجَرَ إِلَى رَسُولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم، ثُمَّ إِنِّي قُلْتُهَا، فَأَخْلَفَ اللهُ لِي رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh: {Innā lillāhi wa-inna ilayhi rāji`ūn. (Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.)} (Qur'ān 2:156) [at] “Allāhumma -'jirnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (O Allāh, magpabuya Ka sa akin sa kasawiang-palad ko at magpahalili Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)"} malibang magpapahalili si Allāh para sa kanya ng higit na mabuti kaysa rito."} Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 918

Ang pagpapaliwanag

Bumanggit si Ummu Salamah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi minsan: Walang anumang Muslim na may tumama sa kanya na isang kasawiang-palad saka nagsasabi siya ng isinakaibig-ibig para sa kanya ni Allāh: "Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik." (Qur'ān 2:156) "O Allāh, magpabuya Ka sa akin" at magbigay Ka sa akin ng pabuya sa pagtitiis ko "sa kasawiang-palad ko" at tutumbas Ka sa akin "at magpahalili Ka para sa akin" para roon "ng higit na mabuti kaysa rito.)" Nagsabi siya: {Kaya noong namatay si Abū Salamah, nagsabi ako: "Alin sa mga Muslim ang higit na mabuti kay Abū Salamah, na kauna-unahang sambahayan na lumikas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Pagkatapos tunay na ako ay nagsabi nito, kaya nagpahalili si Allāh para sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na higit na mabuti kaysa kay Abū Salamah.}

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-uutos ng pagtitiis sa sandali ng mga kasawiang-palad at hindi pagkahinawa.
  2. Ang pagtutuon ng panalangin kay Allāh sa mga kasamaang-palad dahil nasa Kanya ang panumbas.
  3. Ang pagkakailangan ng pagsunod ng mananampalataya sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit pa hindi nahayag sa kanya ang kasanhian mula sa utos nito.
  4. Ang kabutihan sa kabuuan nito ay nasa pagsunod ng mananampalataya sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Paglalahad ng mga salin

35 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية