1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضيَ اللهُ عنهما:
أنَّهُ قَالَ لعَطَاءِ بْنِ أَبِي رَبَاحٍ: أَلَا أُرِيكَ امْرَأَةً مِنْ أَهْلِ الْجَنَّةِ؟ قُلْتُ: بَلَى، قَالَ: هَذِهِ الْمَرْأَةُ السَّوْدَاءُ، أَتَتِ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَتْ: إِنِّي أُصْرَعُ وَإِنِّي أَتَكَشَّفُ، فَادْعُ اللهَ لِي، قَالَ: «إِنْ شِئْتِ صَبَرْتِ وَلَكِ الْجَنَّةُ، وَإِنْ شِئْتِ دَعَوْتُ اللهَ أَنْ يُعَافِيَكِ» قَالَتْ: أَصْبِرُ، قَالَتْ: فَإِنِّي أَتَكَشَّفُ فَادْعُ اللهَ أَنْ لَا أَتَكَشَّفَ، فَدَعَا لَهَا.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Na siya ay nagsabi kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi ako: "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh para sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Nagsabi pa ito: "Saka tunay na ako ay napabubuyangyang, kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang." Kaya dumalangin siya para rito.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 2576

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kay `Aṭā' bin Abī Rabāḥ: "Magpapakita ba ako sa iyo ng isang babaing kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso?" Nagsabi si `Aṭā': "Oo naman." Nagsabi siya: "Ang Etyopiyang maitim na babaing ito ay dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsabi ito: "Tunay na ako ay sinasaniban [ng jinn] at tunay na ako ay napabubuyangyang at may nalalantad ng kaunti sa katawan ko habang ako ay hindi nakararamdam, kaya manalangin ka kay Allāh na magpagaling Siya sa akin." Nagsabi siya: "Kung loloobin mo ay magtitiis ka at ukol sa iyo ang Paraiso. Kung loloobin mo ay mananalangin ako kay Allāh na magpagaling Siya sa iyo." Nagsabi ito: "Magtitiis ako." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya manalangin ka kay Allāh na hindi ako mapabuyangyang kung sinaniban ako." Kaya dumalangin siya kay Allāh para rito.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtitiis sa pagsubok sa Mundo ay nagpapamana ng Paraiso.
  2. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: May nasaad dito na isang patunay na ang pagkasanib ay ginagantimpalaan ng pinakakumpletong gantimpala.
  3. Ang kalinisang-puri at ang hiya ng mga maybahay ng mga Kasamahan at ang sigasig nila sa pagtatakip (malugod si Allāh sa kanila) sapagkat ang babaing ito ay natatakot nang higit na may mabuyangyang na anuman mula sa katawan niya.
  4. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang paggamit ng paghihigpit ay higit na mainam kaysa sa paggamit ng pagpapahintulot para sa sinumang nakaalam mula sa sarili niya ng kakayahan at hindi nanghina sa pananatili sa paghihigpit.
  5. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito na ang paglulunas sa mga karamdaman sa kabuuan ng mga ito ay sa pamamagitan ng panalangin. Ang pagdulog kay Allāh ay higit na nagpapalusog at higit na nagpapakinabang kaysa sa paglulunas sa pamamagitan ng mga droga at na ang pag-epekto niyon at ang reaksiyon ng katawan buhat doon ay higit na mabisa kaysa sa pag-epekto ng mga gamot na pangkatawan. Subalit nagpapalusog lamang ito dahil sa dalawang bagay: ang una ay sa punto ng pasyente — ang katapatan ng pakay — at ang ikalawa ay sa punto ng nanggagamot — ang lakas ng pagtuon niya at ang lakas ng puso niya dahil sa taqwā (pangingilag magkasala) at tawakkul (pananalig). Si Allāh ay higit na maalam.
  6. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Dito ay may patunay sa pagpayag sa pag-iwan sa pagpapagamot.

Paglalahad ng mga salin

36 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية