1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ:
«بَيْنَمَا جِبْرِيلُ قَاعِدٌ عِنْدَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ سَمِعَ نَقِيضًا مِنْ فَوْقِهِ، فَرَفَعَ رَأْسَهُ، فَقَالَ: هَذَا بَابٌ مِنَ السَّمَاءِ فُتِحَ الْيَوْمَ لَمْ يُفْتَحْ قَطُّ إِلَّا الْيَوْمَ، فَنَزَلَ مِنْهُ مَلَكٌ، فَقَالَ: هَذَا مَلَكٌ نَزَلَ إِلَى الْأَرْضِ لَمْ يَنْزِلْ قَطُّ إِلَّا الْيَوْمَ، فَسَلَّمَ، وَقَالَ: أَبْشِرْ بِنُورَيْنِ أُوتِيتَهُمَا لَمْ يُؤْتَهُمَا نَبِيٌّ قَبْلَكَ: فَاتِحَةُ الْكِتَابِ، وَخَوَاتِيمُ سُورَةِ الْبَقَرَةِ، لَنْ تَقْرَأَ بِحَرْفٍ مِنْهُمَا إِلَّا أُعْطِيتَهُ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Samantalang si Anghel Gabriel ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), nakarinig siya ng isang langitngit mula sa ibabaw niya kaya nag-angat siya ng ulo niya saka nagsabi siya: "Iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw, na hindi iyon binuksan kailanman kundi ngayong araw." May bumaba mula roon na isang anghel kaya nagsabi siya: "Ito ay isang anghel na bumaba papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw." Bumati ito at nagsabi ito: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 806

Ang pagpapaliwanag

Si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay minsang nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) saka nakarinig siya ng isang tunog mula sa langit gaya ng tunog ng pinto kapag binuksan ito. Kaya nag-angat si Anghel Gabriel ng ulo niya at paningin niya sa langit. Pagkatapos nagpabatid siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw at hindi pa naunang binuksan iyon kailanman kundi ngayong araw. Bumaba mula roon ang isang anghel, kabilang sa mga anghel, papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw. Bumati ang anghel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi ito sa kanya: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo. Ang dalawang ito ay ang Kabanatang Al-Fātiḥah at ang huling dalawang talata mula sa Kabanatang Al-Baqarah." Pagkatapos nagsabi pa ang anghel: "Hindi bibigkas ang isa ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan siya ni Allāh (napakataas Siya) na nasa dalawang ito na kabutihan, panalangin, at hiling.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng Kabanatang Al-Fātiḥah at mga pangwakas na talata ng Kabanatang Al-Baqarah at ang paghimok sa pagbigkas ng dalawang ito at paggawa ayon sa nilaman ng dalawang ito.
  2. Ang langit ay may mga pinto na bumababa mula sa mga ito ang kautusang pandiyos at hindi binubuksan malibang ayon sa utos ni Allāh (napakataas Siya).
  3. Ang paglilinaw sa karangalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya yayamang nagparangal ito sa kanya ng hindi ipinarangal Nito sa mga propetang bago niya sapagkat nagbigay Ito sa kanya ng dalawang liwanag na ito.
  4. Kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya tungo kay Allāh ang pagbabalita ng nakagagalak na kabutihan.

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية