1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Huwag kayong pumasok sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila maliban na kayo ay maging mga umiiyak,

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضيَ اللهُ عنهُما قَالَ: مَرَرْنَا مَعَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى الْحِجْرِ، فَقَالَ لَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَدْخُلُوا مَسَاكِنَ الَّذِينَ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ، إِلَّا أَنْ تَكُونُوا بَاكِينَ؛ حَذَرًا أَنْ يُصِيبَكُمْ مِثْلُ مَا أَصَابَهُمْ» ثُمَّ زَجَرَ فَأَسْرَعَ حَتَّى خَلَّفَهَا.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Naparaan kami kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥijr kaya nagsabi sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong pumasok sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila maliban na kayo ay maging mga umiiyak, bilang pag-iingat na tumama sa inyo ang tulad ng tumama sa kanila." Pagkatapos nagbunsod siya [sa sinasakyan] kaya nagmabilis siya hanggang sa nag-iwan siya niyon.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 2980

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong naparaan siya sa mga tahanan ng Thamūd, laban sa pagpasok sa mga tahanan ng mga pinagdusa na lumabag sa katarungan sa mga sarili nila o laban sa pagpunta roon, maliban na ang pumapasok ay umiiyak na napangangaralan dahil sa kanila, dala ng takot na tumama sa kanya ang tulad ng tumama sa kanila na pagdurusa. Pagkatapos sumigaw siya sa sasakyang hayop niya kaya nagmabilis siya dahil dito hanggang sa nakalampas siya roon.

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-iisip sa mga kalagayan ng mga pinasawi ni Allāh (napakataas Siya), ang pag-iingat laban sa pagkasadlak doon, at ang pag-iingat laban sa pagkalingat sa pagninilay-nilay sa mga tanda.
  2. Ang mga tahanan ng mga pinagdusang ito ay hindi titirahan matapos nila at hindi gagawing isang bayan dahil ang nagreresidenteng mamamayan ay hindi maaari na maging umiiyak palagi at sinaway siya laban sa pagpasok doon malibang nasa katangiang ito.
  3. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang paghimok sa pagmamasid sa sandali ng pagdaan sa mga tahanan ng mga tagalabag sa katarungan at mga pook ng pagdurusa. Tulad nito ang pagmamabilis sa Lambak ng Muḥassir dahil ang mga kasamahan ng elepante ay nasawi roon. Kaya nararapat sa nagdaraan sa tulad ng mga pook na ito ang pagmamasid, ang pangangamba, ang pag-iyak, at ang pagkanapangangaralan dahil sa kanila at mga pagkapuksa sa kanila, at na humiling ng pagkukupkop kay Allāh laban doon.
  4. Ang pagsaway at ang pagbibigay-babala ay sumasaklaw sa mga tahanan ng Thamūd at iba pa sa kanila kabilang sa kaugnay sa pumapatungkol sa kanila mula sa nalalabi sa mga kalipunan na bumaba sa kanila ang pagdurusa.
  5. Ang pagsuway laban sa paggawa sa mga lugar nito at mga pook na ito para sa turismo, pamamasyal, at tulad niyon.

Paglalahad ng mga salin

35 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية