1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago {Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān

عَنِ ابْنَ مَسْعُودٍ رضي الله عنه قَالَ:
عَلَّمَنِي رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَكَفِّي بَيْنَ كَفَّيْهِ، التَّشَهُّدَ، كَمَا يُعَلِّمُنِي السُّورَةَ مِنَ القُرْآنِ: «التَّحِيَّاتُ لِلَّهِ، وَالصَّلَوَاتُ وَالطَّيِّبَاتُ، السَّلاَمُ عَلَيْكَ أَيُّهَا النَّبِيُّ وَرَحْمَةُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ، السَّلاَمُ عَلَيْنَا وَعَلَى عِبَادِ اللَّهِ الصَّالِحِينَ، أَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ». وفي لفظ لهما: «إِنَّ اللهَ هُوَ السَّلَامُ، فَإِذَا قَعَدَ أَحَدُكُمْ فِي الصَّلَاةِ فَلْيَقُلْ: التَّحِيَّاتُ لِلَّهِ وَالصَّلَوَاتُ وَالطَّيِّبَاتُ السَّلَامُ عَلَيْكَ أَيُّهَا النَّبِيُّ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبَرَكَاتُهُ، السَّلَامُ عَلَيْنَا وَعَلَى عِبَادِ اللهِ الصَّالِحِينَ، فَإِذَا قَالَهَا أَصَابَتْ كُلَّ عَبْدٍ لِلَّهِ صَالِحٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ، أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، ثُمَّ يَتَخَيَّرُ مِنَ الْمَسْأَلَةِ مَا شَاءَ».

Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa kanya at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Sa isang pananalita batay sa dalawa: Tunay na si Allāh ay ang Sakdal. Kaya naman kapag naupo ang isa sa inyo sa ṣalāh, sabihin niya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)" Kapag nagsabi siya nito, mapatutungkol ito sa bawat maayos na lingkod ni Allāh sa lupa at langit. [Pagkatapos sabihin:] "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Pagkatapos makapipili siya mula sa mahihiling ng anumang niloloob niya.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 6265

Ang pagpapaliwanag

Itinuro ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) ang tashahhud na sinasabi sa ṣalāh. Inilagay nga ng Propeta ang kamay ni Ibnu Mas`ūd sa mga kamay niya upang mabaling ang pansin nito sa kanya gaya ng pagtuturo niya rito ng kabanata mula sa Qur'ān, na nagpapatunay sa pagmamalasakit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tashahhud na ito sa bigkas at sa kahulugan. Nagsabi siya: "Attaḥīyātu lillāhi (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh,)": Ang mga ito ay bawat sinasabi o ginagawang nagpapahiwatig ng pagdakila, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "wa-ṣṣalawātu (at ang mga dasal)": Ang mga ito ay ang ṣalāh na nakilala, ang tungkulin sa mga ito at ang kusang-loob sa mga ito ay ukol kay Allāh (napakataas Siya). "wa-ṭṭayyibāt (at mga kaaya-aya)": Ang mga ito ay ang mga sinasabi, ang mga ginagawa, at ang mga paglalarawang kaaya-aya at nagpapatunay sa kalubusan, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya). "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya.)": Isang panalangin para sa kanya ng pagkaligtas sa bawat salot at kinasusuklaman at ng dagdag at dami ng bawat kabutihan. "Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn (Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh)": Isang panalangin ng pagkaligtas para sa tagapagsagawa ng ṣalāh at para sa bawat maayos na lingkod sa langit at lupa. "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh,)": Ibig sabihin: Kumikilala ako sa isang tiyakang pagkilala rito na walang sinasambang totoo kundi si Allāh. "wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh (at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)": Kumikilala ako para sa kanya ng pagkamananamba at pagkasugong pangwakas.
Pagkatapos hinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang tagapagsagawa ng ṣalāh na mamili mula sa panalangin ng anumang niloob niya.

من فوائد الحديث

  1. Ang posisyon ng pagbigkas ng tashahhud ay ang pagkaupo matapos ng huling pagpapatirapa sa bawat ṣalāh at matapos ng ikalawang rak`ah sa mga ṣalāh na tatluhan at apatang rak`ah.
  2. Ang pagkakinakailangan ng mga pagbati sa tashahhud. Pinapayagan na sumambit ng tashahhud sa alinmang porma kabilang sa mga porma ng tashahhud mula sa napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang pagpayag sa pagdalangin sa loob ng pagsasagawa ng ṣalāh ng anumang inibig hanggat ito ay hindi kasalanan.
  4. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsisimula sa sarili sa pagdalangin.

Paglalahad ng mga salin

59 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية