عَن ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما:
أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَرْفَعُ يَدَيْهِ حَذْوَ مَنْكِبَيْهِ إِذَا افْتَتَحَ الصَّلَاةَ، وَإِذَا كَبَّرَ لِلرُّكُوعِ، وَإِذَا رَفَعَ رَأْسَهُ مِنَ الرُّكُوعِ، رَفَعَهُمَا كَذَلِكَ أَيْضًا، وَقَالَ: «سَمِعَ اللَّهُ لِمَنْ حَمِدَهُ، رَبَّنَا وَلَكَ الحَمْدُ»، وَكَانَ لاَ يَفْعَلُ ذَلِكَ فِي السُّجُودِ.
المزيد
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aangat noon ng mga kamay niya katapat ng mga balikat niya kapag nagpasimula siya ng pagsasagawa ng ṣalāh, kapag nagsagawa siya ng takbīr para sa pagyukod, at kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, nag-aangat siya ng mga ito nang gayon din at nagsasabi siya ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah. Rabbanā wa-laka -lḥamd. (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya. Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri.)"}