1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Huwag niyong sabihin: Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}

عَنْ حُذَيْفَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا تَقُولُوا: مَا شَاءَ اللهُ وَشَاءَ فُلَانٌ، وَلَكِنْ قُولُوا: مَا شَاءَ اللهُ ثُمَّ شَاءَ فُلَانٌ».

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Huwag niyong sabihin: Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}

Tumpak dahil sa kabuuan ng mga daan nito Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā, at Imām Aḥmad As-Sunan Al-Kubrā ni An-Nasā'īy - 10755

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsabi ang Muslim sa pananalita niya ng: "Mā shā'a -llāhu WA-shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano)"; o: "Mā shā'a -llāhu WA-fulān (Ang niloob ni Allāh AT ni Polano). Iyon ay dahil ang kalooban ni Allāh at ang pagnanais Niya ay walang-takda at walang nakikilahok sa Kanya rito na isa man. Sa paggamit ng AT sa pagdurugtong ay may pagpaparamdam ng pakikilahok ng isa kay Allāh at pagpapantay sa pagitan ng dalawa Subalit sasabihin niya: "Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)." Kaya naman ginagawa niya ang kalooban ng tao na kasunod sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi ng: THUMMA (PAGKATAPOS) sa halip ng: WA (AT) dahil ang THUMMA (PAGKATAPOS) ay nagpapahiwatig ng pagpapasunod at pagpapatlang.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal sa pagsasabi ng: "Mā shā'A -llāhu wa-shi'ta (Ang niloob ni Allāh AT niloob mo) at anumang nakawangis nito na mga pananalitang may pag-uugnay kay Allāh sa pamamagitan ng AT dahil ito ay bahagi ng shirk sa mga pananalita at mga sinasabi.
  2. Ang pagpayag sa pagsabi ng: "Mā shā'a -llāhu THUMMA shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)" at anumang nakawangis niyon kabilang sa may pag-uugnay kay Allāh sa pamamagitan ng PAGKATAPOS dahil sa pagkakaila sa ipinagbabawal dito.
  3. Ang pagpapatibay sa kalooban para kay Allāh at ang pagpapatibay sa kalooban para sa tao at na ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh (napakataas Siya).
  4. Ang pagsaway laban sa pagtatambal ng tao kay Allāh sa kalooban ni Allāh kahit pa man sa pananalita.
  5. Kung naniwala ang nagsasalita na ang kalooban ng tao ay gaya ng kalooban ni Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan), na kapantay rito sa kasaklawan at kawalang-takda; o na ang tao ay may kaloobang nakapagsasarili, ito ay Malaking Shirk. Kung naniwala naman siya na ito ay mababa roon, iyon ay Maliit na Shirk.

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية