1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}

عن عائشةَ أمِّ المؤْمنِين رضي الله عنها قالت:
لَمْ يَكُنِ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى شَيْءٍ مِنَ النَّوَافِلِ أَشَدَّ مِنْهُ تَعَاهُدًا عَلَى رَكْعَتَيِ الفَجْرِ.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
"Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga kaysa sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 1169

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang kabilang sa mga pagsambang kinukusang-loob ay hindi naging higit na matindi sa pangangalaga, pagsisigasig, at pagpapanatili kaysa sa dalawang rak`ah na kinukusang-loob na dasal bago ng dasal sa madaling-araw.

من فوائد الحديث

  1. Ang kinukusang-loob na dasal ay ang anumang iba sa mga isinatungkulin mula sa mga pagtalima. Ang tinutukoy rito ay ang mga sunnah na kinukusang-loob na sumusunod sa mga isinasatungkulin.
  2. Ang mga sunnah na kinukusang-loob ay dalawang rak`ah na ṣalāh bago ng ṣalāh sa madaling-araw, apat na tigdadalawang rak`ah na ṣalāh bago ng ṣalāh sa tanghali at dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah na ṣalāh matapos ng ṣalāh sa pakalubog ng araw, at dalawang rak`ah na ṣalāh matapos ng ṣalāh sa gabi.
  3. Ang kinukusang-loob na dasal sa madaling-araw ay dinadasal sa sandali ng pamamayan (hindi paglalakbay) at paglalakbay, na kasalungatan ng kinukusang-loob na dasal sa tanghali, pagkalubog ng araw, at gabi sapagkat hindi dinarasal ito kundi sa sandali ng pamamayan.
  4. Ang pagsasakaibig-ibig na binibigyang-diin sa dalawang rak`ah na dasal sa madaling-araw sapagkat hindi nararapat ang pagpapabaya rito.

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية