1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}

عَنْ مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ صَلَّى عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَخَذَ بِيَدِهِ، وَقَالَ: «يَا مُعَاذُ، وَاللَّهِ إِنِّي لَأُحِبُّكَ»، فَقَالَ: «أُوصِيكَ يَا مُعَاذُ لَا تَدَعَنَّ فِي دُبُرِ كُلِّ صَلَاةٍ تَقُولُ: اللَّهُمَّ أَعِنِّي عَلَى ذِكْرِكَ وَشُكْرِكَ وَحُسْنِ عِبَادَتِكَ».

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat katapusan ng ṣalāh na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad Sunan Abī Dāwud - 1522

Ang pagpapaliwanag

Humawak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay ni Mu`ādh (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang umiibig sa iyo at magtatagubilin sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta na magsabi sa wakas ng bawat ṣalāh: "Allāhumma a`innī `alā dhikrika (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo)" sa bawat sinasabi at ginagawang nagpapalapit sa pagtalima. "wa-shukrika ([at] pagpapasalamat sa Iyo)" sa pagkatamo ng mga biyaya at pagkatulak ng mga salot. "wa-ḥusni `ibādatik (at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh at sa pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagpapabatid ng tao hinggil sa pag-ibig niya kay Allāh.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa katapusan ng bawat ṣalāh na isinatungkulin at kinukusang-loob.
  3. Nasaad sa panalangin sa pamamagitan ng kaunting pananalitang ito ang mga kahilingan sa Mundo at Kabilang-buhay.
  4. Kabilang sa mga benepisyo ng pag-ibig alang-alang kay Allāh ang pagtatagubilinan ng katotohanan, ang pagpapayuhan, at ang pagtutulungan sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala.
  5. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang pag-alaala kay Allāh ay ang panimula ng pagkapanatag ng dibdib, ang pagpapasalamat sa Kanya ay ang kaparaanan ng mga biyayang tinugon, at ang pagpapahusay ng pagsamba na hinihiling sa kanya ay ang pagkalas sa anumang nakaaabala sa kanya palayo kay Allāh (napakataas Siya).

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية