1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago {May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ مسعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
ذُكِرَ عِنْدَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلٌ نَامَ لَيْلَهُ حَتَّى أَصْبَحَ، قَالَ: «ذَاكَ رَجُلٌ بَالَ الشَّيْطَانُ فِي أُذُنَيْهِ، أَوْ قَالَ: فِي أُذُنِهِ».

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog sa gabi nito hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o nagsabi siya: "sa tainga niya."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 3270

Ang pagpapaliwanag

May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog hanggang sa nag-umaga, sumikat ang araw, at hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh na isinatungkulin. Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay lalaking umihi ang demonyo sa tainga niya."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakasuklam-suklam ng pag-iwan ng pagdarasal sa gabi at na iyon ay dahilan sa demonyo.
  2. Ang pag-iingat laban sa demonyo na nag-aabang sa tao sa bawat daan upang sumagabal sa pagitan ng tao at ng pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
  3. Nagsabi si Ḥajar: Ang sabi niya: "hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh" ay tumutukoy sa pangkalahatan [na ṣalāh] at naisasaposible na sa kasunduan. Ang tinutukoy rito ay ang ṣalāh sa gabi o ang isinatungkulin.
  4. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Itinangi ang tainga sa pagkabanggit, kahit pa ang mata ay higit na angkop sa pagtulog, bilang pagtukoy sa kahimbingan ng pagkatulog sapagkat tunay na ang mga pandinig ay ang pinagmumulan ng pagkatawag-pansin. Itinangi ang ihi dahil ito ay pinakamadali sa pagpasok at mga butas at pinakamabilis sa panunuot sa mga ugat, kaya naman nagsasanhi ito ng katamaran sa lahat ng mga bahagi ng katawan.

Paglalahad ng mga salin

51 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية