1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Kaya sa ano pa kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," – at naglihim siya ng isang mahinang pangungusap – "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman

عَنْ أَبِي مُسْلِمٍ الْخَوْلَانِيِّ، قَالَ: حَدَّثَنِي الْحَبِيبُ الْأَمِينُ، أَمَّا هُوَ فَحَبِيبٌ إِلَيَّ، وَأَمَّا هُوَ عِنْدِي فَأَمِينٌ، عَوْفُ بْنُ مَالِكٍ الْأَشْجَعِيُّ رضي الله عنه قَالَ:
كُنَّا عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، تِسْعَةً أَوْ ثَمَانِيَةً أَوْ سَبْعَةً، فَقَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» وَكُنَّا حَدِيثَ عَهْدٍ بِبَيْعَةٍ، فَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، ثُمَّ قَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» فَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، ثُمَّ قَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» قَالَ: فَبَسَطْنَا أَيْدِيَنَا وَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، فَعَلَامَ نُبَايِعُكَ؟ قَالَ: «عَلَى أَنْ تَعْبُدُوا اللهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَالصَّلَوَاتِ الْخَمْسِ، وَتُطِيعُوا -وَأَسَرَّ كَلِمَةً خَفِيَّةً- وَلَا تَسْأَلُوا النَّاسَ شَيْئًا» فَلَقَدْ رَأَيْتُ بَعْضَ أُولَئِكَ النَّفَرِ يَسْقُطُ سَوْطُ أَحَدِهِمْ، فَمَا يَسْأَلُ أَحَدًا يُنَاوِلُهُ إِيَّاهُ.

Ayon kay Abū Muslim Al-Khawlānīy na nagsabi: Nagsanaysay sa akin ang kaibig-ibig na mapagkakatiwalaan, yayamang siya ay kaibig-ibig sa akin at yayamang siya sa ganang akin ay mapagkakatiwalaan, si `Awf bin Mālik Al-Ashaja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami minsan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay siyam o walo o pito, saka nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh?" Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya nag-abot kami ng mga kamay namin at nagsabi kami: 'Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh. Kaya sa ano pa kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," – at naglihim siya ng isang mahinang pangungusap – "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman." Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 1043

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang bilang ng mga Kasamahan saka humiling sa kanila nang tatlong ulit na magpahayag sila ng katapatan sa kanya at makipagkasunduan sila sa kanya sa pananatili sa mga sumusunod:
A. Ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman.
B. Ang pagpapanatili ng limang pagdarasal na isinatungkulin sa araw at gabi.
C. Ang pagdinig at ang pagtalima ayon sa nakabubuti sa sinumang nakatalaga sa pamamahala sa mga Muslim.
D. Ang pag-aatang ng lahat ng mga pangangailangan nila kay Allāh at ang hindi paghingi sa mga tao ng anuman sa mga ito. Nagbaba ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil dito ng tinig niya.
Nagsagawa nga ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ng ipinangako nilang katapatan sa kanya hanggang sa nagsabi ang tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga Kasamahang iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya; bagkus bumababa ito at kumukuha niyon sa pamamagitan ng sarili niya."

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagwaksi ng paghingi sa mga tao at ang pagpapakawalang-kinalaman sa lahat ng natatawag na panghihingi. Ang pagkakasya sa pag-iwas sa paghingi sa mga tao kahit pa man ng isang maliit na bagay.
  2. Ang paghinging sinasaway ay ang paghinging nauugnay sa mga bagay-bagay na pangmundo kaya hindi ito pumapatungkol sa panghihingi ng kaalaman at mga nauukol sa Relihiyon.

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية