1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}

عَنْ وَحْشِيِّ بْنِ حَرْبٍ رَضيَ اللهُ عنه:
أَنَّهُمْ قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّا نَأْكُلُ وَلَا نَشْبَعُ، قَالَ: «فَلَعَلَّكُمْ تَأْكُلُونَ مُتَفَرِّقِينَ؟» قَالُوا: نَعَمْ. قَالَ: «فَاجْتَمِعُوا عَلَى طَعَامِكُمْ، وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهِ، يُبَارَكْ لَكُمْ فِيهِ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya):
{Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}

Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad Sunan Ibnu Mājah - 3764

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi sila: "Tunay na kami ay kumakain at hindi nangyayari sa ganang amin ang pagkabusog."
Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay sa sandali ng pagkain sapagkat kumakain ang bawat isa sa pagkabukod-tangi niya?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo, kumain kayo na hindi mga nagkakahiwa-hiwalay, at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkain sa pamamagitan ng pagsabi ng: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magpapala sa inyo si Allāh dito at matatamo sa inyo ang pagkabusog.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtitipun-tipon para sa pagkain at ang pagsambit ng tasmiyah sa sandali ng pagkain ay isang kadahilanan ng pagtamo ng pagpapala sa pagkain at pagtamo ng pagkabusog sa pagkain.
  2. Ang paghihiwalay sa kabuuan nito ay kasamaan at ang pagtitipun-tipon sa kabuuan nito ay kabutihan.
  3. Ang paghimok sa pagtitipun-tipon at pagsambit ng tasmiyah sa sandali ng pagkain.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Sa pagtitipun-tipon bumababa ang mga biyaya sa mga pagkain at pagsambit ng pangalan ni Allāh (napakataas Siya) napipigil ang demonyo sa pagdating sa pagkain.

Paglalahad ng mga salin

37 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية