1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«أُمِرْتُ أَنْ أُقَاتِلَ النَّاسَ حَتَّى يَشْهَدُوا أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللَّهِ، وَيُقِيمُوا الصَّلاَةَ، وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ، فَإِذَا فَعَلُوا ذَلِكَ عَصَمُوا مِنِّي دِمَاءَهُمْ وَأَمْوَالَهُمْ إِلَّا بِحَقِّ الإِسْلاَمِ، وَحِسَابُهُمْ عَلَى اللَّهِ».

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Kaya kapag gumawa sila niyon, mapangangalagaan sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 25

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-utos sa kanya ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal hanggang sa sumaksi sila na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumaksi sila kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkasugo; paggawa ayon sa hinihiling ng pagsaksing ito na pangangalaga sa limang pagdarasal sa araw at gabi at pagbibigay ng isinatungkuling zakāh sa mga karapat-dapat dito. Kapag ginawa nila ang mga bagay na ito, tunay na ang Islām ay mangangalaga sa mga buhay nila at mga ari-arian nila sapagkat hindi ipinahihintulot ang pagpatay sa kanila malibang kapag nakagawa sila ng isang krimen o isang pagsalansang na nagiging karapat-dapat sila dahil dito sa pagpatay alinsunod sa mga patakaran ng Islām. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon mamamahala si Allāh (napakataas Siya) sa pagtutuos sa kanila yayamang nakaaalam Siya sa mga lihim nila.

من فوائد الحديث

  1. Ang mga patakaran ay ipinatutupad lamang ayon sa nakahayag at si Allāh ay mamahala sa mga lihim.
  2. Ang kahalagahan ng pag-aanyaya tungo sa Tawḥīd at na ito ay ang kauna-unahan na ipinansisimula sa pag-aanyaya.
  3. Hindi nangangahulugan ang ḥadīth na ito ng pagpilit sa mga tagapagtambal sa pagpasok sa Islām; bagkus sila ay mga makapipili sa pagitan ng pagpasok sa Islām o pagbabayad ng jizyah. Kung nagmatigas sila sa anuman maliban sa pagpigil sa pag-aanyaya tungo sa Islām, walang magagawa kundi ang makipaglaban alinsunod sa mga patakaran ng Islām.

Paglalahad ng mga salin

63 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
JA 日本語 Hapon
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو