1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo!"}

عَنْ أَبِي وَاقِدٍ اللَّيْثِيِّ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لَمَّا خَرَجَ إِلَى حُنَيْنٍ مَرَّ بِشَجَرَةٍ لِلْمُشْرِكِينَ يُقَالُ لَهَا: ذَاتُ أَنْوَاطٍ يُعَلِّقُونَ عَلَيْهَا أَسْلِحَتَهُمْ، فَقَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، اجْعَلْ لَنَا ذَاتَ أَنْوَاطٍ كَمَا لَهُمْ ذَاتُ أَنْوَاطٍ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «سُبْحَانَ اللهِ! هَذَا كَمَا قَالَ قَوْمُ مُوسَى {اجْعَلْ لَنَا إِلَهًا كَمَا لَهُمْ آلِهَةٌ} [الأعراف: 138] وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لَتَرْكَبُنَّ سُنَّةَ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ».

Ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong pumunta siya sa Ḥunayn, ay naparaan sa isang punong-kahoy ng mga tagapagtambal, na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na nagsasabit sila rito ng mga sandata nila. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhāt Anwāṭ kung paanong mayroon silang Dhāt Anwāṭ." Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaluwalhatian kay Allāh! Ito ay gaya ng sinabi ng mga tao ni Moises: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang sasakay nga kayo sa kalakaran ng mga bago ninyo!"}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad Sunan At-Tirmidhīy - 2180

Ang pagpapaliwanag

Pumunta ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn, na isang lambak sa pagitan ng Ṭā'if at Makkah. Kasama sa kanya ang ilan sa mga Kasamahan na pumasok sa Islām kamakailan. Naparaan sila sa isang punong-kahoy na tinatawag na Dhāt Anwāṭ, na ang ibig sabihin ay may mga isinabit. Ang mga tagapagtambal noon ay dumadakila rito at nagsasabit dito ng mga sandata nila at iba pa dala ng paghiling ng pagpapala. Kaya naman humiling sila sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na gumawa siya para sa kanila ng isang punong-kahoy tulad niyon, na sasabitan nila ng mga sandata nila para sa paghiling ng pagpapala dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ito ay isang bagay na pinapayagan. Kaya nagluwalhati kay Allāh ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dala ng pagmamasama sa pagkakasabing ito at dala ng pagdakila kay Allāh. Nagpabatid siya na ang pagkakasabing ito ay nakawawangis sa pagkasabi ng mga tao ni Moises dito: {gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.”} (Qur'ān 7:138) Noong nakakita sila ng mga sumasamba sa mga anito, humiling sila na magkaroon sila ng mga anito kung paanong mayroong mga anito ang mga tagapagtambal. Ito ay isang pagsunod sa pamamaraan ng mga iyon. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Kalipunang ito ay susunod sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano at gagawa ng gawain nila. Nagbigay-babala siya laban doon.

من فوائد الحديث

  1. Ang tao ay maaaring magmaganda ng isang bagay na ipinagpapalagay niya na nagpapalapit sa kanya kay Allāh (napakataas Siya) samantalang nagpapalayo ito sa kanya kay Allāh.
  2. Nararapat sa Muslim na magluwalhati at magdakila kay Allāh kapag nakarinig siya ng hindi nararapat na sabihin hinggil sa Relihiyong Islām at sa sandali ng pagkagulat.
  3. Bahagi ng shirk ang paghango ng pagpapala sa pamamagitan ng mga punong-kahoy, mga bato, at iba pa sa mga ito. Ang pagpapala ay nahihiling lamang mula kay Allāh – tanging sa Kanya.
  4. Ang kadahilanan ng pagsamba sa mga anito ay ang pagdakila sa mga ito, ang pamimintuho sa tabi ng mga ito, at ang paghango ng pagpapala sa mga ito.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pagpinid ng mga pinto at mga daan na nagpapahantong sa Shirk.
  6. Ang nasaad na mga teksto kaugnay sa pagpula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay isang pagbibigay-babala sa atin.
  7. Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga kampon ng Kamangmangan, mga Hudyo, at mga Kristiyano, maliban sa napatunayan ng patunay na ito ay bahagi ng Relihiyon natin.

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية