1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)

عَنِ ابْنِ أَبِي مُلَيْكَةَ:
عَنْ بَعْضِ أَزْوَاجِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ -قَالَ: أَبُو عَامِرٍ، قَالَ نَافِعٌ: أُرَاهَا حَفْصَةَ- أَنَّهَا سُئِلَتْ عَنْ قِرَاءَةِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَتْ: إِنَّكُمْ لَا تَسْتَطِيعُونَهَا قَالَ: فَقِيلَ لَهَا أَخْبِرِينَا بِهَا. قَالَ: فَقَرَأَتْ قِرَاءَةً تَرَسَّلَتْ فِيهَا قَالَ أَبُو عَامِرٍ: قَالَ نَافِعٌ: فَحَكَى لَنَا ابْنُ أَبِي مُلَيْكَةَ {الحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ} [الفاتحة: 2] ثُمَّ قَطَّعَ {الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ} [الفاتحة: 1] ثُمَّ قَطَّعَ {مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ}.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni Abū Mulaykah:
ayon sa isa sa mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Nakakita ako sa kanya, kay Ḥafṣah, na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makakakaya niyon." Nagsabi iyon: Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin hinggil doon." Nagsabi iyon: Kaya bumigkas ito ng pagbigkas na nagpapakahinay-hinay ito roon. Nagsabi si Abū `Āmir: Nagsabi si Nāfi`: Kaya gumaya para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad Musnad Aḥmad - 26470

Ang pagpapaliwanag

Tinanong si Ḥafṣah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): "Papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān?" Kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makapagkakaya sa tulad niyon." Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin." Nagsabi si Nāfi`: Kaya bumigkas para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah ng pagbigkas ng pagdadahan-dahan dito upang magaya at mapalapit para sa kanila ang pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumigkas siya: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbigkas ng Qur'ān.
  2. Ang praktikal na aplikasyon para sa paglilinaw ng pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang pagkaisinasabatas ng pagpapakahinay-hinay sa pagbigkas ng Qur'ān sapagkat ito ay higit na mapag-anyaya sa pagbubulay-bulay rito.
  4. Ang pagpapahalaga ng Maayos na Kanunuan sa Marangal na Qur'ān at sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  5. Ang kahalagahan ng pagkaalam sa Tajwīd (Pagpapahusay ng Pagbigkas ng Qur'ān) at `Ulūmulqur'ān (Mga Agham ng Qur'ān).

Paglalahad ng mga salin

30 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TH ไทย Thailand
AS অসমীয়া Asami
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية