1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Marangal na Qur'ān at ang mga Agham Nito

Pagpapanibago {Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba

عَنْ قَتَادَةَ قَالَ:
سُئِلَ أَنَسٌ كَيْفَ كَانَتْ قِرَاءَةُ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؟ فَقَالَ: «كَانَتْ مَدًّا»، ثُمَّ قَرَأَ: {بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ} [الفاتحة: 1] يَمُدُّ بِبِسْمِ اللَّهِ، وَيَمُدُّ بِالرَّحْمَنِ، وَيَمُدُّ بِالرَّحِيمِ.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi:
{Tinanong si Anas kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kaya nagsabi ito: "Ito noon ay pagpapahaba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 1:1): "Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain)." Nagpapahaba siya sa: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," nagpapahaba siya sa: "-rraḥmāni -rraḥīm ([ang] Napakamaawain, ang Maawain)," at nagpapahaba siya sa: "-rraḥīm ([ang] Maawain)."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 5046

Ang pagpapaliwanag

Tinanong si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān. Kaya nagsabi siya: "Siya noon ay nagpapahaba ng tinig niya sa pagbigkas sa isang pagpapahabang pinahahaba ang LA na bago ng H ng pangalang Allāh, pinahahaba ang MA na bago ng N ng RaḥMĀN, at pinahahaba ang ḤI ng RaḤĪm."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapahaba ay ang pag-uunat ng mga titik ng pinahabang patinig. Ang mga ito ay ang alif (ā), ang wāw (ū), at ang yā' (ī) kapag ang mga ito ay walang sariling patinig at bago ng mga ito ay may isang katinig na tumutugma sa mga ito.
  2. Ang paglilinaw sa pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbigkas ng Qur'ān.
  3. Ang praktikal na aplikasyon para sa paglilinaw ng pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niyang: "nagpapahaba ng tinig niya sa isang pagpapahaba" ay nangangahulugang nagpapatagal siya ng pagbigkas ng mga titik na naaangkop sa pagpapatagal ng pagbigkas habang nagpapatulong siya sa pamamagitan nito sa pagmumuni-muni, pag-iisip-isip, at pagpapaalaala sa sinumang nagsasaalaala.
  5. Ang kahalagahan ng pagkaalam sa Tajwīd (Pagpapahusay ng Pagbigkas ng Qur'ān) at `Ulūmulqur'ān (Mga Agham ng Qur'ān).
  6. Ang pag-intindi sa mga teksto ay isinasangguni sa mga maalam gaya ng pagtanong kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) saka naglinaw naman siya sa tagapagtanong.

Paglalahad ng mga salin

29 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TH ไทย Thailand
AS অসমীয়া Asami
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية