1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya

عَنْ إِبرَاهِيمَ النَّخَعِيِّ عَنْ هَمَّامِ بنِ الحَارِثِ قَالَ:
بَالَ جَرِيرٌ، ثُمَّ تَوَضَّأَ، وَمَسَحَ عَلَى خُفَّيْهِ، فَقِيلَ: تَفْعَلُ هَذَا؟ فَقَالَ: نَعَمْ، رَأَيْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بَالَ، ثُمَّ تَوَضَّأَ وَمَسَحَ عَلَى خُفَّيْهِ. قَالَ الأَعْمَشُ: قَالَ إِبْرَاهِيمُ: كَانَ يُعْجِبُهُمْ هَذَا الحَدِيثُ؛ لِأَنَّ إِسْلَامَ جَرِيرٍ، كَانَ بَعْدَ نُزُولِ المَائِدَةِ.

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Ibrāhīm An-Nakha`īy, ayon kay Hammām bin Al-Ḥārith na nagsabi:
{Umihi si Jarīr, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya saka sinabi: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Nagsabi si Al-A`mash: Nagsabi si Ibrāhīm: Nagpahanga sa kanila ang ḥadīth na ito dahil ang pag-anib sa Islām ni Jarīr ay matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah.}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 272

Ang pagpapaliwanag

Umihi si Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagkasya sa pagpahid sa khuff niya at hindi naghugas ng mga paa niya, saka nagsabi sa kanya ang nasa paligid niya: "Gumagawa ka niyan?" Kaya nagsabi siya: "Oo. Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi siya, pagkatapos nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahid sa khuff niya." Si Jarīr ay umanib nga sa Islām nang huli matapos ng pagbaba ng Kabanatang Al-Mā'idah na nasaad dito ang talata ng pagsasagawa ng wuḍū', na nagpapahiwatig doon na ang pagpahid sa khuff ay hindi napawalang-bisa ng talatang iyon.

من فوائد الحديث

  1. Ang sigasig ng mga Kasamahan at mga Tagasunod sa pagsunod sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  2. Nagsabi si An-Nawawīy: Nagkabuklod ang natuturingan sa pagkakabuklod sa hatol ng pagpayag sa pagpahid sa khuff sa paglalakbay at pamamayanan, maging ito man ay dahil sa isang pangangailangan o dahil sa iba pa rito, pati na sa pagpayag para sa babaing nananatili sa bahay niya at taong nakaratay na hindi nakalalakad.
  3. Ang kainaman ni Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) yayamang siya ay malawak ang isip, na nakababata ng pagtutol ng mga estudyante sa kanya kahit pa man sila ay mga nagkakamali roon.
  4. Ang pagtugon sa sinumang nagkakaila sa pagpahid sa khuff at nag-aangkin na ito ay pinawalang-bisa dahil ang ḥadīth ni Jarīr (malugod si Allāh sa kanya) ay nahuli sa pagkababa ng talata ng pagsasagawa ng wuḍū'.
  5. Ang paglilinaw na nararapat sa sinumang may tumutol sa kanya na anuman at naniniwala ito sa katumpakan nito na hindi siya magalit sa sinumang tumutol sa kanya at makipagtalakayan siya rito alinsunod sa palagay nito; bagkus maglilinaw siya rito ng pinagsasaligan niya kaugnay roon sa pamamagitan ng siyang pinakamaganda.
  6. Ang paghango ng patunay sa pamamagitan ng kasaysayan sa sandali ng pangangailangan doon.

Paglalahad ng mga salin

29 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TH ไทย Thailand
AS অসমীয়া Asami
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية