1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}

عَنْ هِشَامِ بْنِ حَكِيمِ بْنِ حِزَامٍ رَضيَ اللهُ عنهما أَنَّهُ مَرَّ عَلَى أُنَاسٍ مِنَ الْأَنْبَاطِ بِالشَّامِ، قَدْ أُقِيمُوا فِي الشَّمْسِ، فَقَالَ: مَا شَأْنُهُمْ؟ قَالُوا: حُبِسُوا فِي الْجِزْيَةِ، فَقَالَ هِشَامٌ: أَشْهَدُ لَسَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِنَّ اللهَ يُعَذِّبُ الَّذِينَ يُعَذِّبُونَ النَّاسَ فِي الدُّنْيَا».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay naparaan sa mga taong kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatayo nga sa ilalim ng araw. Kaya naman nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi sila: "Ikinulong sila dahil sa jizyah." Kaya nagsabi si Ḥakīm: "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2613

Ang pagpapaliwanag

Naparaan si Hishām bin Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa mga magbubukid kabilang sa mga Nabateyo sa Sirya, na pinatindig nga sa ilalim ng init ng araw. Kaya naman nagtanong siya tungkol sa pumapatungkol sa kanila. Nagpabatid siya na sila ay ginawan ng gayon dahilan sa hindi pagkabayad nila ng jizyah samantalang sila ay nakakakaya naman niyon. Kaya naman nagsabi si Hishām (malugod si Allāh sa kanya): "Sumasaksi ako, talagang nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na si Allāh ay magdudulot ng pagdurusa sa mga nagdudulot ng pagdurusa sa mga tao sa Mundo dala ng kawalang-katarungan, nang walang karapatan.

من فوائد الحديث

  1. Ang jizyah ay isang buwis na ipinapataw sa mga lalaking kabilang sa mga May Kasulatan, na mga adultong may yaman kapalit ng pagsasanggalang sa kanila at pagreresidente nila sa Tahanan ng Islām.
  2. Ang pagbabawal sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga tao pati na sa mga tagatangging sumampalataya nang walang legal na tagapag-obliga.
  3. Ang pagbibigay-babala sa mga tagalabag sa katarungan laban sa kawalang-katarungan.
  4. Ang pagkapit ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.
  5. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ito ay ipinatutungkol sa pagdudulot ng pagdurusa nang walang karapatan. Kaya naman hindi napaloloob dito ang pagdudulot ng pagdurusa nang may karapatan gaya ng qaṣāṣ (ganting-pinsala), mga takdang parusa, ta`zīr (discretionary punishment), at tulad nito.

Paglalahad ng mga salin

36 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية