1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Pinaniniwalaan

Pagpapanibago Hindi ba ako magsasanaysay sa inyo ng isang sanaysay tungkol sa Bulaang Kristo (Masīḥ Dajjāl), na walang nagsanaysay hinggil sa kanya na isang propeta sa mga tao nito? Tunay na siya ay kirat. Tunay na siya ay maghahatid kasama niya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno,

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَلاَ أُحَدِّثُكُمْ حَدِيثًا عَنِ الدَّجَّالِ، مَا حَدَّثَ بِهِ نَبِيٌّ قَوْمَهُ؟ إِنَّهُ أَعْوَرُ، وَإِنَّهُ يَجِيءُ مَعَهُ بِمِثَالِ الجَنَّةِ وَالنَّارِ، فَالَّتِي يَقُولُ إِنَّهَا الجَنَّةُ هِيَ النَّارُ، وَإِنِّي أُنْذِرُكُمْ كَمَا أَنْذَرَ بِهِ نُوحٌ قَوْمَهُ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi ba ako magsasanaysay sa inyo ng isang sanaysay tungkol sa Bulaang Kristo (Masīḥ Dajjāl), na walang nagsanaysay hinggil sa kanya na isang propeta sa mga tao nito? Tunay na siya ay kirat. Tunay na siya ay maghahatid kasama niya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno, ngunit ang sinasabi niya na ito ay ang Paraiso ay ang Impiyerno. Tunay na ako ay nagbababala sa inyo kung paanong nagbabala hinggil sa kanya si Noe sa mga tao nito."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 3338

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa Bulaang Kristo, mga katangian nito, at mga tanda nito ng hindi nagsanaysay hinggil dito ang isang propeta bago niya. Kabilang doon:
Tunay na siya ay kirat ang mata.
Tuna na si Allāh ay naglagay kasama sa kanya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno alinsunod sa pagkakita ng mata.
Subalit ang paraiso niya ay impiyerno at ang impiyerno niya ay paraiso. Ang sinumang tumalima sa kanya ay papapasukin niya sa paraisong ito ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay impiyernong tagasunog. Ang sinumang sumuway sa kanya ay papasukin niya sa impiyerno ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay paraisong kaaya-aya. Pagkatapos nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tukso niya kung paanong nagbigay-babala si Noe sa mga tao nito.

من فوائد الحديث

  1. Ang bigat ng tukso ng Bulaang Kristo
  2. Ang kaligtasan mula sa tukso ng Bulaang Kristo ay sa pamamagitan ng katapatan ng pananampalataya, pagdulog kay Allāh (napakataas Siya), paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa Bulaang Kristo sa Huling Tashahhud, at pagsasaulo ng sampung āyah mula sa simula ng Sūrah Al-Kahf.
  3. Ang tindi ng sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya yayamang naglinaw siya sa mga Muslim ng ilan sa mga katangian ng Bulaang Kristo, na hindi nilinaw ng isang propeta bago niya.

Paglalahad ng mga salin

57 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية