1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ أَعْرَابِيًّا أَتَى النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: دُلَّنِي عَلَى عَمَلٍ إِذَا عَمِلْتُهُ دَخَلْتُ الجَنَّةَ، قَالَ: «تَعْبُدُ اللَّهَ لاَ تُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا، وَتُقِيمُ الصَّلاَةَ المَكْتُوبَةَ، وَتُؤَدِّي الزَّكَاةَ المَفْرُوضَةَ، وَتَصُومُ رَمَضَانَ» قَالَ: وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لاَ أَزِيدُ عَلَى هَذَا، فَلَمَّا وَلَّى قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَنْ سَرَّهُ أَنْ يَنْظُرَ إِلَى رَجُلٍ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ، فَلْيَنْظُرْ إِلَى هَذَا».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):
{Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 1397

Ang pagpapaliwanag

May pumunta na isang lalaking kabilang sa mga naninirahan sa ilang sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang gumabay siya rito sa isang gawain na magpapasok sa kanya sa Paraiso. Kaya sumagot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpasok sa Paraiso at ang kaligtasan mula sa Impiyerno ay dumedepende sa pagganap ng mga haligi ng Islām gaya ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at na hindi ka magtambal sa Kanya ng anuman, magpanatili ka ng limang ṣalāh na inobliga ni Allāh sa mga lingkod Niya sa bawat araw at gabi, at magbigay ka ng zakāh ng yaman na inobliga ni Allāh sa iyo at ipagkaloob mo ito sa karapat-dapat dito, at mangalaga ka ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa oras nito. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag sa gawaing isinatungkulin na narinig ko mula sa iyo ng anuman mula sa mga pagtalima at hindi ako magbabawas mula rito." Noong nakalisan ang lalaki, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin siya sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya sa arabeng disyertong iyan."}

من فوائد الحديث

  1. Ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagsamba ay ang kauna-unahan sa ipinansisimula sa pag-aanyaya tungo kay Allāh.
  2. Ang pagkakasya sa pagtuturo ng mga kinakailangan sa sinumang bagong yakap sa Islām.
  3. Ang pag-aanyaya tungo kay Allāh (napakataas Siya) ay hindi makaiiwas dito sa pag-uunti-unti.
  4. Ang sigasig ng tao sa pagkatuto ng nauukol sa Relihiyon niya.
  5. Kapag naglimita ang Muslim sa mga kinakailangan, tunay na siya ay magtatagumpay; subalit hindi ito nangangahulugan ng pagwawalang-bahala sa mga pagkukusang-loob na pagsamba dahil ang pagkukusang-loob ay ipinangkukumpleto sa kakulangan sa pagganap sa mga tungkulin.
  6. Ang pagtatangi ng ilan sa mga pagsamba sa pagbanggit ay isang patunay sa kahalagahan ng mga ito at paghihikayat sa mga ito. Hindi ito nangangahulugan ng hindi pagkakinakailangan ng iba pa sa mga ito.

Paglalahad ng mga salin

59 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية