1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?

عَنْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ أَبِي لَيْلَى قَالَ: لَقِيَنِي كَعْبُ بْنُ عُجْرَةَ، فَقَالَ: أَلاَ أُهْدِي لَكَ هَدِيَّةً؟
إِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَرَجَ عَلَيْنَا، فَقُلْنَا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، قَدْ عَلِمْنَا كَيْفَ نُسَلِّمُ عَلَيْكَ، فَكَيْفَ نُصَلِّي عَلَيْكَ؟ قَالَ: «فَقُولُوا: اللَّهُمَّ صَلِّ عَلَى مُحَمَّدٍ وَعَلَى آلِ مُحَمَّدٍ، كَمَا صَلَّيْتَ عَلَى آلِ إِبْرَاهِيمَ، إِنَّكَ حَمِيدٌ مَجِيدٌ، اللَّهُمَّ بَارِكْ عَلَى مُحَمَّدٍ وَعَلَى آلِ مُحَمَّدٍ، كَمَا بَارَكْتَ عَلَى آلِ إِبْرَاهِيمَ، إِنَّكَ حَمِيدٌ مَجِيدٌ».

Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo?
Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 6357

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya matapos ng pagkaalam nila ng pamamaraan ng pagdalangin ng pangangalaga sa kanya sa taḥiyāt: "... assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, ... (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. ...)" Kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya. Ang kahulugan nito: "Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad)" Ibig sabihin: Magbunyi Ka sa kanya sa marikit na pagbanggit sa konsehong pinakamataas, sa mga tagasunod niya sa Relihiyon niya, at mga mananampalataya mula sa kamag-anakan niya. "kamā ṣallayta `alā ibrāhīma ... (... gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham)" Kung paanong nagmabuting-loob ka sa mag-anak ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga): sina Abraham, Ismael, Isaac, at ang mga supling nila at ang mga tagasunod nila na mga mananampalataya, mag-ugnay ka ng kabutihang-loob mo kay Muḥammad (ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya). "innaka ḥamīdum majīd. tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal." Ibig sabihin: Ang pinapupurihan sa sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawa Mo, ang Malawak sa kadakilaan Mo, kapamahalaan Mo, at pagbibigay Mo. "Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma ... (O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham ...)" Ibig sabihin: Magbigay Ka sa kanya mula sa kabutihan at karangalan ng pinakadakila rito, magdagdag Ka nito, at magpatibay Ka nito.

من فوائد الحديث

  1. Ang Salaf ay nagpapatnubayan sa mga usapin ng kaalaman.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Huling Tashahhud ng ṣalāh.
  3. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagturo sa mga Kasamahan niya ng pagdalangin ng pangangalaga at basbas sa kanya.
  4. Ang pormularyong ito ay ang pinakakumpleto sa mga pormularyo sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
IT Italiano Italiyano
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية