1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا يَشْكُرُ اللَّهَ مَنْ لَا يَشْكُرُ النَّاسَ»

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad Sunan Abī Dāwud - 4811

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi nagpapasalamat kay Allāh ay karaniwang hindi nagpapasalamat sa mga tao dahil sa nakabubuti at magandang ginawa nila sa kanya. Iyon ay dahil sa pagkakaugnay na unang pasasalamat sa ikalawang pasasalamat yayamang bahagi ng kalikasan niya at nakahiratian niya ang kawalang-pasasalamat sa biyaya ng mga tao at ang pagwaksi sa pasasalamat sa kanila, nagiging bahagi ng nakahiratian niya ang pagtanggi sa pagpapasalamat sa biyaya ni Allāh at ang pagkukulang sa pagpapasalamat niya rito.

من فوائد الحديث

  1. Ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga tao sa nakabubuting nagawa.
  2. Ang tagapagbiyaya, sa totoo, ay si Allāh samantalang ang nilikha ay pinasisilbi ni Allāh (napakataas Siya) sa sinumang niloloob Niya. Dahil doon, tunay na ang pagpapasalamat sa mga tao ay bahagi ng pagpapasalamat kay Allāh (napakataas Siya).
  3. Ang pagpapasalamat sa mga tao dahil sa nakabubuting nagawa nila ay isang patunay sa kalubusan ng kaasalan.

Paglalahad ng mga salin

29 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TH ไทย Thailand
AS অসমীয়া Asami
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
HU Magyar المجرية
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية