1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}

عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِنَّ الشَّيْطَانَ قَدْ أَيِسَ أَنْ يَعْبُدَهُ الْمُصَلُّونَ فِي جَزِيرَةِ الْعَرَبِ، وَلَكِنْ فِي التَّحْرِيشِ بَيْنَهُمْ».

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal sa Tangway ng Arabya, subalit [nagpatuloy] sa pagpapasigalot sa gitna nila."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2812

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Satanas ay nawalan ng pag-asa na manumbalik ang mga mananampalatayang nagdarasal sa pagsamba sa kanya at pagpapatirapa sa anito sa Tangway ng Arabya, subalit siya ay hindi tumigil na nagmimithi. Hindi tumigil ang pagsisikap niya, ang pagpapagal niya, ang paggawa niya, at ang pagpupunyagi niya sa pagpapasigalot sa gitna nila sa pamamagitan ng mga alitan, pagkamuhi, mga digmaan, mga sigalot, at tulad ng mga ito.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsamba sa demonyo ay pagsamba sa anito dahil siya ang tagapag-utos niyon at ang tagapag-anyaya roon ayon sa patunay ng sabi ni Allāh tungkol kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga): "O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo ..."
  2. Ang demonyo ay nagpupunyagi sa pagpapasadlak sa mga alitan, pagkamuhi, mga digmaan, at mga sigalot sa gitna ng mga Muslim.
  3. Kabilang sa mga benepisyo ng ṣalāh sa Islām ay na ito ay nangangalaga sa pagmamahalan sa gitna ng mga Muslim at nagpapalakas sa mga bigkis ng kapatiran sa gitna nila.
  4. Ang ṣalāh ay ang pinakadakila sa mga sagisag ng Relihiyon matapos ng Dalawang Pagsaksi. Dahil doon, itinaguri sa mga Muslim ang katawagang mga nagdarasal.
  5. Ang Tangway ng Arabya ay may mga kakanyahang wala sa iba rito kabilang sa mga bayan.
  6. Kung sinabing naganap na sa isang bahagi ng Tangway ng Arabya ang pagsamba sa mga anito samantalang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Tunay na ang demonyo ay nawalan na ng pag-asa na sumamba sa kanya ang mga nagdarasal ...," ito ay isang pagpapabatid tungkol sa naganap sa sarili ng demonyo na pagkawala ng pag-asa dahil sa nakita niya ang mga pagsakop at ang pagpasok ng mga tao sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong. Kaya ang ḥadīth ay nagpabatid tungkol sa palagay ng demonyo at inaasahan nito, pagkatapos ang reyalidad ay kasalungatan niyon dahil sa isang kasanhiang ninanais ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Paglalahad ng mga salin

49 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية