عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رضي الله عنهما أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«أُعْطِيتُ خَمْسًا لَمْ يُعْطَهُنَّ أَحَدٌ قَبْلِي: نُصِرْتُ بِالرُّعْبِ مَسِيرَةَ شَهْرٍ، وَجُعِلَتْ لِي الأَرْضُ مَسْجِدًا وَطَهُورًا، فَأَيُّمَا رَجُلٍ مِنْ أُمَّتِي أَدْرَكَتْهُ الصَّلاَةُ فَلْيُصَلِّ، وَأُحِلَّتْ لِي المَغَانِمُ، وَلَمْ تَحِلَّ لِأَحَدٍ قَبْلِي، وَأُعْطِيتُ الشَّفَاعَةَ، وَكَانَ النَّبِيُّ يُبْعَثُ إِلَى قَوْمِهِ خَاصَّةً وَبُعِثْتُ إِلَى النَّاسِ عَامَّةً».

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanila): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa kalahatan."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 335

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagbigay sa kanya ng limang kakanyahan na hindi binigyan ng mga ito ang isa sa mga propeta bago niya [ayon sa pagkasabi niya]:
1. Iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak na ipinupukol sa mga puso ng mga kaaway ko kahit pa man sa pagitan ko at nila ay may layo ng paglalakbay ng isang buwan.
2. Ginawa para sa atin ang lupa bilang mapagpapatirapaang mapagdadasalan natin naging saan man tayo at bilang pandalisay sa pamamagitan ng alikabok sa sandali ng kawalang-kakayahan sa pagkakaroon ng tubig.
3. Ipinahintulot sa atin ang mga samsam sa digmaan: ang nakukuha ng mga Muslim sa digmaan nila sa mga tagatangging sumampalataya.
4. Binigyan ako ng pinakadakilang Pamamagitan alang-alang sa pagbibigay-kapahingahan sa mga tao mula sa hilakbot sa Tindigan sa Araw ng Pagbangon.
5. Isinugo ako sa nilikha sa kabuuan: sa tao nila at jinn nila, na kasalungatan sa mga propeta bago ko sapagkat sila noon ay ipinapadala sa mga tao nila lamang.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagbilang-bilang ng tao ng mga biyaya ni Allāh sa kanya bilang pagpapabatid hinggil sa mga ito at bilang pasasalamat kay Allāh sa mga ito.
  2. Ang kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kalipunang ito ng Islām at sa Propeta nito dahil sa mga kakanyahang ito.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa oras nito sa alinmang kalagayan. Ginagawa ang nakakaya mula sa mga kundisyon nito, mga haligi nito, at mga kinakailangan dito.
  4. Ang Pamamagitan na natangi dahil dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gitna ng mga propeta ay mga uri. Ang isa sa mga ito ay ang Pamamagitan niya sa mga tao sa pagpapasya sa paghuhukom sa kanila. Kabilang sa mga ito ang Pamamagitan niya sa pagpasok sa Paraiso ng mga maninirahan sa Paraiso. Kabilang sa mga ito ang Pamamagitan niya sa partikular sa tiyuhin niyang si Abū Ṭālib alang-alang sa pagpapagaan ng apoy rito, hindi sa paglabas dahil ito ay namatay na isang tagatangging sumampalataya.
  5. Ang mga kakanyahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay marami, na hindi nabanggit sa ḥadīth na ito. Kabilang sa mga ito na binigyan siya ng masasaklaw sa mga pananalita, winakasan sa pamamagitan niya ang mga propeta, ginawa ang mga hanay natin gaya ng mga hanay ng mga anghel, at iba pa sa mga ito na mga kakanyahan.

Paglalahad ng mga salin

52 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية