1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu

عَنْ عِمْرَانَ بْنِ حُصَيْنٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ، فَرَدَّ عَلَيْهِ ثُمَّ جَلَسَ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «عَشْرٌ» ثُمَّ جَاءَ آخَرُ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ، فَرَدَّ عَلَيْهِ فَجَلَسَ، فَقَالَ: «عِشْرُونَ» ثُمَّ جَاءَ آخَرُ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ، فَرَدَّ عَلَيْهِ فَجَلَسَ، فَقَالَ: «ثَلَاثُونَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Dalawampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tatlumpu."}

Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām Aḥmad, at Imām Ad-Dārimīy Sunan Abī Dāwud - 5195

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtala para sa kanya ng sampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay dalawampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay tatlumpung magandang gawa." Ibig sabihin: Sa bawat pananalita ay may sampung mabuting gawa.

من فوائد الحديث

  1. Ang dumarating ay magpapasimula sa mga nakaupo ng pagbati.
  2. Ang Karagdagan sa Pabuya Kapalit ng Karagdagan sa mga Pananalita ng Pagbati
  3. Ang pinakalubos sa pagbibigay ng pagbati ay: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" Ang pinakamainam na pormula sa pagtugon ay: "Wa-`alaykumu -ssalāmu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (At sumainyo ang kapayapaan, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya.)"
  4. Ang mga grado ng pagbati at pagtugon ay nagkakaibahan at ang pabuya ay nagkakaibahan.
  5. Ang pagtuturo sa mga tao ng kabutihan at ang pagtawag-pansin sa kanila sa pagtamo ng pinakamainam.
  6. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Kung sakaling nagdagdag ang tagapagpasimula ng: wa-raḥmatu -llāhi (at ang awa Niya)," isinasabatas ba ang karagdagan sa pagtugon? Gayundin kung nagdagdag ang tagapagpasimula ng: "wa-barakātuh (at ang mga pagpapala Niya)," isinasabatas ba para sa kanya iyon? Nagtala si Imām Mālik sa Al-Muwaṭṭa' ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Nagwakas ang pagbati sa pagpapala."

Paglalahad ng mga salin

43 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية