1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا جَلَسَ قَوْمٌ مَجْلِسًا لَمْ يَذْكُرُوا اللَّهَ فِيهِ وَلَمْ يُصَلُّوا عَلَى نَبِيِّهِمْ إِلاَّ كَانَ عَلَيْهِمْ تِرَةً، فَإِنْ شَاءَ عَذَّبَهُمْ وَإِنْ شَاءَ غَفَرَ لَهُمْ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Walang umupong mga tao sa isang pagtitipon, na hindi sila nag-alaala kay Allāh roon at hindi sila dumalangin ng basbas para sa Propeta nila, malibang may magiging ukol sa kanila na isang hinagpis. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā’īy sa Al-Kubrā Sunan At-Tirmidhīy - 3380

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagkalingat sa pag-alaala kay Allāh at na walang naupong mga tao sa isang pagtitipon at hindi nag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) doon at hindi dumalangin ng basbas sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) malibang ang pagtitipong iyon ay magiging isang panghihinayang sa kanila, isang pagsisisi, isang kalugihan, at isang kakulangan sa Araw ng Pagbangon. Kung loloobin Niya, pagdurusahin Niya sila sa mga pagkakasala nilang nauna at mga pagkukulang nilang susunod; at kung loloobin Niya, patatawarin Niya sila bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang awa.

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagsambit ng dhikr at ang kainaman nito.
  2. Ang kainaman ng mga pagtitipon na sa mga ito ay may pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) at pag-alaala sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang mga pagtitipon na wala sa mga ito iyon ay ang mga pagtitipon ng kalamidad sa mga dumadalo sa mga ito sa Araw ng Pagbangon.
  3. Ang nabanggit na pagbibigay-babala laban sa pagkalingat sa pag-alaala kay Allāh ay hindi nalilimitahan sa mga pagtitipon lamang; bagkus sumasaklaw sa iba pa sa mga ito. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kinasusuklaman para sa sinumang umupo sa isang lugar na makipaghiwalay rito bago siya bumanggit kay Allāh (napakataas Siya) dito.
  4. Ang panghihinayang na mangyayari sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay maaaring dahil sa pagkaalpas ng pabuya at gantimpala dahil sa kawalan ng pagbenepisyo sa oras sa pagtalima kay Allāh at maaaring dahil sa kasalanan at parusa sa paggamit ng oras sa pagsuway kay Allāh.
  5. Ang pagbibigay-babala na ito ay kapag ang pagkalingat na ito ay sa mga pinapayagan. Kaya papaano na sa mga pagtitipong ipinagbabawal na nasa mga ito ang panlilibak, ang tsismis, at ang iba pa sa mga iyan?

Paglalahad ng mga salin

45 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية