1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«رَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ ذُكِرْتُ عِنْدَهُ فَلَمْ يُصَلِّ عَلَيَّ، وَرَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ دَخَلَ عَلَيْهِ رَمَضَانُ ثُمَّ انْسَلَخَ قَبْلَ أَنْ يُغْفَرَ لَهُ، وَرَغِمَ أَنْفُ رَجُلٍ أَدْرَكَ عِنْدَهُ أَبَوَاهُ الكِبَرَ فَلَمْ يُدْخِلاَهُ الجَنَّةَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking binanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking pumasok sa kanya ang Ramaḍān pagkatapos lumipas ito bago mapatawad siya. Alikabukin nawa ang ilong ng isang lalaking nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila nagpapasok sa kanya sa Paraiso."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad Sunan At-Tirmidhīy - 3545

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong klase ng tao ng pagpapadikit ng mga ilong nila sa alikabok bilang pagkaaba, pagkahamak, at pagkalugi. Ang unang uri ay ang sinumang binanggit sa piling niya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Ṣalla -llāhu `alayhi wa-sallam. (Basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.)" Ang ikalawang klase ay ang sinumang nakaabot sa buwan ng Ramaḍān pagkatapos natapos ang buwan bago mapatawad siya dahil sa pagkukulang niya sa paggawa ng pagtalima. Ang ikatlong klase ay isang taong nakaabot sa piling niya ang mga magulang ng katandaan ngunit hindi sila naging isang kadahilanan sa pagpasok niya sa Paraiso dahil sa kasutilan niya at pagkukulang niya sa karapatan nila.

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si As-Sindīy: Ang resulta ay na ang bawat isa sa mga ito ay talagang nagtamo sana ng isang masaganang bahagi mula sa kabutihan kung hindi dahil sa pagkukulang niya ngunit yayamang nagkulang siya hanggang sa nakaalpas sa kanya iyon, nabigo nga siya at nalugi nga siya.
  2. Ang paghimok sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tuwing nababanggit ang pangalan niya.
  3. Ang paghimok sa pagsusumikap at pagpapakasipag para sa pagsamba sa buwan ng Ramaḍān.
  4. Ang paghimok sa pagsusumikap sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang at pagpaparangal sa kanila lalo na sandali ng katandaan.

Paglalahad ng mga salin

46 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية