1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."}

عَنْ أَبِي ثَعْلَبَةَ الخُشَنِيِّ جُرْثُومِ بن نَاشِرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَال:
«إِنَّ اللَّهَ فَرَضَ فَرَائِضَ فَلَا تُضَيِّعُوهَا، وَحَدَّ حُدُودًا فَلَا تَعْتَدُوهَا، وَحَرَّمَ أَشْيَاءَ فَلَا تَنْتَهِكُوهَا، وَسَكَتَ عَنْ أَشْيَاءَ رَحْمَةً لَكُمْ غَيْرَ نِسْيَانٍ فَلَا تَبْحَثُوا عَنْهَا».

Ayon kay Abū Tha`labah Al-Khushanīy Jurthūm bin Nāshir (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya huwag kayong magpabaya sa mga ito, naghangganan ng mga hangganan kaya huwag kayong lumampas sa mga ito, nagbawal ng ilang bagay kaya huwag kayong lumabag sa mga ito, at nanahimik sa ilang bagay dala ng pagkaawa sa inyo hindi dala ng pagkalimot kaya huwag kayong maghanap ng mga ito."}

Nagsabi si An-Nawawīy: ḥadīth na maganda Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dāraquṭnīy sa Sunan niya at iba pa Al-Arba`ūn An-Nawawīyah - 30

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nag-obliga ng mga bagay at nagsatungkulin ng mga tungkulin kaya sumunod kayo sa mga ito at huwag kayong magpabaya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iwan o pagwawalang-bahala sa mga ito. Gumawa Siya para sa inyo ng mga pansagabal at mga pansawata na itinakdang sasagabal sa inyo at sasawata sa inyo laban sa anumang hindi Niya kinalulugdan kaya huwag kayong magdagdag sa mga ito ng higit sa anumang ipinag-utos ng batas. Nagbawal Siya ng mga ipinagbabawal kaya huwag kayong gumamit ng mga ito at huwag kayong lumapit sa mga ito. Ang anumang bukod pa roon ay umiwan Siya ng mga iyon at nanahimik Siya tungkol sa mga iyon bilang awa sa mga lingkod Niya kaya nanatili ang mga ito sa orihinalidad ng pagkapayag sa mga ito kaya huwag kayong maghanap ng mga ito.

من فوائد الحديث

  1. Ang ḥadīth ay isang patunay na si Allāh ay ang Tagapagbatas sapagkat ang kautusan ay nasa kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
  2. Naglaman ang ḥadīth ng mga panuntunan ng batas sa patakaran at sa pagpayag yayamang ang patakarang pambatas ay maaaring pinanahimikan o sinalita. Ito ay maaaring ipinag-uutos bilang pagkakinakailangan o bilang pagkaiminumungkahi o sinasaway bilang pagbabawal o bilang pagkasuklam o bilang pinapayagan.
  3. Na ang anumang nanahimik si Allāh tungkol dito kaya hindi Siya nagsatungkulin nito, hindi Siya naglimita nito, at hindi Siya sumaway laban dito, ito ay pinahihintulutan (ḥalāl).
  4. Ang kagandahan ng paglilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang inilahad niya ang ḥadīth sa pamamagitan ng ganitong maliwanag na malinaw na pagbabahagi.
  5. Ang pagkakinakailangan ng pangangalaga sa mga tungkulin kay Allāh (napakataas Siya).
  6. Ang pagbabawal sa paglabas sa mga hangganan ni Allāh (napakataas Siya).

Paglalahad ng mga salin

58 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
FR Français Ang Wikang Pranses
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
DA Dansk الدنماركية
RN Kirundi الكيروندي
KMR Kurmancî الكرمنجية
MS Bahasa Melayu الملايو