1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضيَ اللهُ عنهما أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَقُولُ:
«اللهُمَّ لَكَ أَسْلَمْتُ، وَبِكَ آمَنْتُ، وَعَلَيْكَ تَوَكَّلْتُ، وَإِلَيْكَ أَنَبْتُ، وَبِكَ خَاصَمْتُ، اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِعِزَّتِكَ، لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ أَنْ تُضِلَّنِي، أَنْتَ الْحَيُّ الَّذِي لَا يَمُوتُ، وَالْجِنُّ وَالْإِنْسُ يَمُوتُونَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon:
"Allāhumma, laka aslamtu, wa-bika āmantu, wa-`alayka tawakkaltu, wa-ilayka anabtu, wa-bika khāṣamtu. Allāhumma, innī a`ūdhu bi-`izzatika, lā ilāha illā anta, an tuḍillanī. Anta -lḥayyu -lladhī lā yamūtu wa-ljinnu wa-l'insu yamūtūn." (O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagsisising nagbalik, at dahil sa Iyo ako nakipagtalo. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa kapangyarihan Mo – walang Diyos kundi Ikaw – na magpaligaw Ka sa akin. Ikaw ang Buhay na hindi namamatay samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay.)"}

Tumpak Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ito ay pagkakasambit ni Imām Muslim. Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy sa pinaiksing paraan Ṣaḥīḥ Muslim - 2717

Ang pagpapaliwanag

Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagsasabi ng: "O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop" at nagpaakay, "sa Iyo ako sumampalataya," naniwala, at kumilala, "sa Iyo ako nanalig," nagpaubaya, at sumalig, "sa Iyo ako nagsisising nagbalik," nanumbalik, at tumuon, "at dahil sa Iyo ako nakipagtalo" at nakipangatwiran sa mga kaaway Mo. "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop" at dumudulog "sa kapangyarihan Mo," tibay Mo, at pananaig Mo, "– walang Diyos kundi Ikaw –" at walang sinasamba ayon sa karapatan maliban sa Iyo, "na magpaligaw Ka sa akin" palayo sa kapatnubay at pagkatuon sa pagkalugod Mo. "Ikaw ang Buhay na hindi namamatay" at hindi napupuksa "samantalang ang jinn at ang tao ay namamatay."

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng paghahain ng pagbubunyi sa paghingi sa sandali ng bawat hinihiling.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pananalig kay Allah (t) – tanging sa Kanya – at paghiling ng pag-iingat mula sa Kanya dahil Siya ay nailalarawan sa mga katangian ng kalubusan sapagkat Siya – tanging Siya – ang sinasaligan samantalang ang nilikha sa kabuuan nila ay mga walang-kakayahan at mga magwawakas sa kamatayan kaya sila ay hindi marapat para panaligan.
  3. Ang pagpapakatulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdalangin sa pamamagitan ng mga masaklaw na matibay na pangungusap na ito, na nagpapahayag ng katapatan ng pananampalataya at kasukdulan ng katiyakan.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "Ikaw ang Buhay" ay nangangahulugang: Kaya Ikaw ang nararapat hilingan ng pagkupkop hindi ang iba sa Iyo.

Paglalahad ng mga salin

43 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية