1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya

عَنْ صُهَيْبٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«عَجَبًا لِأَمْرِ الْمُؤْمِنِ، إِنَّ أَمْرَهُ كُلَّهُ خَيْرٌ، وَلَيْسَ ذَاكَ لِأَحَدٍ إِلَّا لِلْمُؤْمِنِ، إِنْ أَصَابَتْهُ سَرَّاءُ شَكَرَ، فَكَانَ خَيْرًا لَهُ، وَإِنْ أَصَابَتْهُ ضَرَّاءُ صَبَرَ، فَكَانَ خَيْرًا لَهُ».

Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2999

Ang pagpapaliwanag

Humahanga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pumapatungkol sa mananampalataya at mga kalagayan nito bilang pagmamaganda. Iyon ay dahil ang mga kalagayan niya sa kabuuan ng mga ito ay mabuti at hindi ukol iyon sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kay Allāh dahil dito kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pasasalamat. Kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya at umaasa kay Allāh ng gantimpala kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pagtitiis. Kaya naman siya ay nasa isang pabuya sa bawat kalagayan.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagpapasalamat dahil sa kariwasaan at ang pagtitiis dahil sa kariwaraan sapagkat ang sinumang gumawa niyon ay matatamo para sa kanya ang mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay at ang sinumang hindi nagpasalamat sa biyaya at hindi nagtiis sa kasawian ay makaaalpas sa kanya ang pabuya at matatamo para sa kanya ang pasanin.
  2. Ang kainaman ng pananampalataya at na ang pabuya sa bawat kalagayan ay hindi mangyayari kundi sa mga alagad ng pananampalataya.
  3. Ang pagpapasalamat sa sandali ng kariwasaan at ang pagtitiis sa kariwaraan ay kabilang sa mga kakanyahan ng mga mananampalataya.
  4. Ang pananampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya ay naglalagay sa mananampalataya sa isang kumpletong pagkalugod sa lahat ng mga kalagayan niya, na kasalungatan ng hindi mananampalataya na magiging nasa isang palaging pagkainis sa sandali ng pagkaganap ng pinsala sa kanya. Kapag naman nagkamit siya ng isang biyaya mula kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), nagpapakaabala siya rito palayo sa pagtalima kay Allāh, lalo na sa paggamit dito sa pagsuway kay Allāh.

Paglalahad ng mga salin

57 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية