عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الدُّعَاءُ لاَ يُرَدُّ بَيْنَ الأَذَانِ وَالإِقَامَةِ».

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy Sunan At-Tirmidhīy - 212

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagdalangin sa pagitan ng adhān at iqāmah, na ito ay hindi tinatanggihan at marapat sa pagsagot. Kaya naman dumalangin kayo kay Allāh dito.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng oras na ito para sa pagdalangin.
  2. Kapag nahiyasan ang tagapag-anyaya ng mga etiketa ng pagdalangin, nagsadya siya sa mga lugar nito at mga oras nito na nakalalamang, lumayo siya sa pagsuway kay Allāh, nag-ingat siya para sa sarili niya sa pagkakasadlak sa mga maling akala at pag-aalinlangan, at nagpaganda siya ng palagay kay Allāh, tunay na siya ay marapat na tugunin ayon sa pahintulot ni Allāh.
  3. Nagsabi si Al-Munāwī tungkol sa pagtugon sa panalangin: Ibig sabihin: Matapos ng pagkatipon ng mga kundisyon ng pagdalangin, mga haligi nito, at mga etiketa nito saka kung may naiwan na anuman mula sa mga ito, huwag siyang manisi kundi sa sarili niya.
  4. Ang pagtugon sa panalangin ay maaaring madaliin para sa kanya ang [pagtugon sa] panalangin niya o ibaling palayo sa kanya mula sa kasamaan ang tulad nito o imbakin ito para sa kanya sa Kabilang-buhay. Iyon ay alinsunod sa karunungan ni Allāh at awa Niya.

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية