1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Hindi manunutok ang isa sa inyo sa kapatid niya ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay bumunot nito sa kamay niya saka babagsak siya sa isang hukay mula sa Impiyerno."}

عَن أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ يُشِيرُ أَحَدُكُمْ عَلَى أَخِيهِ بِالسِّلاَحِ، فَإِنَّهُ لاَ يَدْرِي، لَعَلَّ الشَّيْطَانَ يَنْزِعُ فِي يَدِهِ، فَيَقَعُ فِي حُفْرَةٍ مِنَ النَّارِ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi manunutok ang isa sa inyo sa kapatid niya ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay bumunot nito sa kamay niya saka babagsak siya sa isang hukay mula sa Impiyerno."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 7072

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi manutok ang Muslim sa kapatid niyang Muslim ng alinmang uring kabilang sa mga uri ng sandata sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam baka ang demonyo ay mag-udyok sa kanya sa pagpapagalaw ng sandata sa kamay niya saka makapatay siya sa kapatid niya o makaperhuwisyo siya roon kaya masasadlak siya sa pagsuway na magpapahantong sa kanya sa pagbagsak sa isang hukay mula sa Impiyerno.

من فوائد الحديث

  1. Ang Paglilinaw sa Kabanalan ng Buhay ng Muslim
  2. Ang pagkakinakailangan ng paggalang sa Muslim at pag-iingat sa pagpapaabot ng kasamaan sa kanya sa ginagawa o sinasabi. Kabilang doon ang pagtutok ng bakal o ng sandata, kahit pa man nagbibiro, dahil ang demonyo ay maaaring magpasaring sa kamay niya at mang-akit sa kanya sa pagtira sa kapatid niya o bumunot ng sandata mula sa kamay niya kaya makapagpapatama siya nang hindi sinasadya para makapinsala sa kapatid niya,.
  3. Ang pagpinid sa mga dahi-dahilan sa pamamagitan ng pagsaway sa anumang magpapahantong sa sinasawata.
  4. Ang sigasig sa kaligtasan ng lipunan, ang pag-iingat sa mga ugnayan sa pagitan ng mga tao, at ang hindi pagpapangamba sa kanila at pagpapangilabot sa kanila kahit pa man sa pamamagitan ng pagtutok at pagbabanta.

Paglalahad ng mga salin

41 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية