1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قالَ: قالَ رَسُولُ اللَّهِ صلَّى اللَّهُ عليْه وسلَّمَ:
«دِينَارٌ أَنْفَقْتَهُ فِي سَبِيلِ اللهِ، وَدِينَارٌ أَنْفَقْتَهُ فِي رَقَبَةٍ، وَدِينَارٌ تَصَدَّقْتَ بِهِ عَلَى مِسْكِينٍ، وَدِينَارٌ أَنْفَقْتَهُ عَلَى أَهْلِكَ أَعْظَمُهَا أَجْرًا الَّذِي أَنْفَقْتَهُ عَلَى أَهْلِكَ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Isang dinar na ginugol mo sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya [ng alipin], isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukha, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo, ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya ay ang ginugol mo sa mag-anak mo."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 995

Ang pagpapaliwanag

Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng ilan sa mga uri ng paggugol sapagkat nagsabi siya: "Isang dinar na ginugol mo sa pakikibaka sa landas ni Allāh, isang dinar na ginugol mo sa pagpapalaya ng isang alipin mula sa pang-aalipin at pagkaalipin, isang dinar na ikinawanggawa mo sa isang dukhang nangangailangan, at isang dinar na ginugol mo sa mag-anak mo at mga alaga mo." Pagkatapos nagpabatid siya na ang pinakamabigat sa mga ito sa pabuya sa ganang kay Allāh ay ang ginugol mo sa mag-anak mo, mga alaga mo, at sinumang inoobliga sa iyo ang paggugol sa kanya.

من فوائد الحديث

  1. Ang dami ng mga pinto ng paggugol sa landas ni Allāh.
  2. Ang pag-una ng pinakamarapat sa pinto ng paggugol sa sandali ng pagtatagisan. Bahagi niyon ang paggugol sa mag-anak sa sandali ng kawalan ng kakayahan sa paggawa ng lahat.
  3. Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa Pagbibigay-linaw sa Ṣaḥīḥ Muslim: Ang paghimok sa paggugol sa mga kamag-anak at ang paglilinaw sa bigay ng gantimpala rito dahil mayroon sa kanila na kinakailangan ang paggugol dahil sa pagkakamag-anak, mayroon sa kanila na ito ay nagiging isang iminumungkahi at nagiging isang kawanggawa at isang pagpapanatili ng ugnayan, at mayroon sa kanila na ito ay nagiging isang kinakailangan dahil sa resulta ng kasal at resulta ng panunumpa. Ito sa kabuuan nito ay nakalalamang na hinihimok. Ito ay higit na mainam kaysa sa kawanggawa ng pagkukusang-loob.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya: "isang dinar na ginugol mo sa mga alaga mo," ibig sabihin: kapag naglayon ka rito ng kaluguran ng mukha ni Allāh at nagnais ka ng [pagtupad sa] karapatan ng mga alaga, halimbawa.
  5. Nagsabi si Abū Qilābah: Aling lalaki ang higit na mabigat sa pabuya kaysa sa lalaking gumugugol sa mga alagang nakababata na nagpapadisente sa kanila at nagpapakinabang sa kanila si Allāh sa pamamagitan niya at nagbibigay-kasapatan sa kanila?

Paglalahad ng mga salin

43 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية