1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسْعُودٍ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«تَابِعُوا بَيْنَ الحَجِّ وَالعُمْرَةِ، فَإِنَّهُمَا يَنْفِيَانِ الفَقْرَ وَالذُّنُوبَ كَمَا يَنْفِي الكِيرُ خَبَثَ الحَدِيدِ، وَالذَّهَبِ، وَالفِضَّةِ، وَلَيْسَ لِلْحَجَّةِ الْمَبْرُورَةِ ثَوَابٌ إِلاَّ الجَنَّةُ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad Sunan At-Tirmidhīy - 810

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapalapit sa pagitan ng pagganap ng mga gawaing pagsamba ng ḥajj at mga gawaing pagsamba ng `umrah at hindi pagkaputol ng pagganap sa dalawang ito ayon sa kakayahan dahil ang pagganap sa dalawang ito ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala at bakas ng mga ito sa puso kung paano na ang pag-ihip ng apoy ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karumihan ng bakal at anumang humahalo rito na mga metal na hindi bahagi nito.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagpapasunuran ng ḥajj at `umrah at ang paghimok doon.
  2. Ang pagpapasunud-sunuran sa paggawa ng ḥajj at `umrah ay kabilang sa mga kadahilanan ng kasapatan at kapatawaran ng mga pagkakasala.
  3. Nagsabi si Al-Mubārakfūrīy: Ang "nag-aalis ng karalitaan" ay nangangahulugang nagpapawi nito. Ito ay nakatatagal sa hayag na karalitaan sa pamamagitan ng pagkakamit ng kasapatan ng kamay at ng kubling karalitaan sa pamamagitan ng pagkakamit ng kasapatan ng puso.

Paglalahad ng mga salin

34 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية