1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضيَ اللهُ عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا جَمَعَ اللهُ الْأَوَّلِينَ وَالْآخِرِينَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُرْفَعُ لِكُلِّ غَادِرٍ لِوَاءٌ، فَقِيلَ: هَذِهِ غَدْرَةُ فُلَانِ بْنِ فُلَانٍ».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 1735

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya), kapag nagtipon Siya sa Araw ng Pagbangon, sa mga una at mga huli alang-alang sa pagtutuos, magtitirik para sa bawat taksil na hindi tumupad sa isang kasunduang inobliga sa kanya kay Allāh o sa mga tao ng isang palatandaang magbubunyag sa pamamagitan nito ng kataksilan niya at ipananawagan sa kanya sa araw na iyon: "Ito ay kataksilan ni Polano na anak ni Polano," para sa paglalantad ng kasagwaan ng kagagawan niya, sa mga tao sa Tindigan (Maḥshar).

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal sa pagtatraidor at na ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala dahil kaugnay rito ang matinding bantang ito.
  2. Sumasaklaw ang pagtatraidor na pinagbabantaan sa bawat sinumang nagtiwala sa iyo sa isang buhay o isang dangal o isang lihim isang ari-arian saka nagtaksil ka sa kanya at sumira ka sa palagay niya sa pagtitiwala sa iyo.
  3. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Ang pakikipag-usap na ito mula sa kanya ay para sa mga Arabe dahil sa tulad ng ginagawa dahil sila ay nag-aangat para sa pagtupad ng isang puting watawat at para sa katraiduran ng isang itim na watawat upang sisihin nila ang traidor at pulaan nila ito kaya humihiling ang ḥadīth ng pagkasadlak ng tulad niyon sa traidor upang mapatanyag siya sa katangian niya sa Araw ng Pagbangon para pulaan siya ng mga tao sa Tindigan (Mawqif).
  4. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nasaad dito na ang mga ito ay tatawagan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng mga ama nila batay sa pagkasabi rito: "Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."

Paglalahad ng mga salin

40 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية