عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«خَيْرُ يَوْمٍ طَلَعَتْ عَلَيْهِ الشَّمْسُ يَوْمُ الْجُمُعَةِ، فِيهِ خُلِقَ آدَمُ، وَفِيهِ أُدْخِلَ الْجَنَّةَ، وَفِيهِ أُخْرِجَ مِنْهَا، وَلَا تَقُومُ السَّاعَةُ إِلَّا فِي يَوْمِ الْجُمُعَةِ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 854

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Kabilang sa mga kakanyahan nito na si Allāh ay lumikha dito kay Adan (sumakanya ang pangangalaga). Dito nagpapasok si Allāh sa kanya sa Paraiso at dito nagpalabas si Allāh sa kanya mula roon at nagpalapag sa kanya sa lupa. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes.

من فوائد الحديث

  1. Ang kalamangan ng araw ng Biyernes sa nalalabi sa mga araw ng linggo.
  2. Ang paghimok sa pagpaparami ng mga maayos na gawain sa araw ng Biyernes at ang pagpapakahanda sa pagtamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya) at pagtulak ng salot Niya.
  3. Ang mga kakanyahang ito ng araw ng Biyernes na binaggit sa ḥadīth ay sinabi na ang mga ito ay hindi para sa pagbanggit ng kainaman ng araw ng Biyernes dahil ang pagpapalabas kay Adan at ang pagsapit ng Huling Sandali ay hindi na kabilang sa kainaman, at sinabi: bagkus ang lahat ng mga ito ay mga kainaman at ang paglabas ni Adan ay kadahilanan ng pagkakaroon ng mga supling na mga sugo, mga propeta, at mga maayos na tao; at ang pagsapit ng Huling Sandali ay kadahilanan ng pagmamadali sa pagganti sa mga maayos na tao at pagtamo nila ng inihanda ni Allāh para sa kanila na mga karangalan.
  4. May binanggit para sa araw ng Biyernes na mga iba pang kakanyahang iba sa binanggit sa salaysay na ito. Kabilang sa mga ito: dito tinanggap ang pagbabalik-loob ni Adan, dito siya kinuha, at dito ay may oras na hindi natatapatan ng isang lingkod na mananampalataya habang siya ay nagdarasal na humihiling kay Allāh ng anuman malibang magbibigay si Allāh sa kanya nito.
  5. Ang pinakamainam sa mga araw ng taon ay ang Araw ng `Arafah. Sinabi ring ang Araw ng Pag-aalay. Ang pinakamainam sa mga araw ng linggo ay ang araw ng Biyernes. Ang pinakamainam na gabi ay ang Gabi ng Pagtatakda.

Paglalahad ng mga salin

56 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية