1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ غَدَا إِلَى الْمَسْجِدِ أَوْ رَاحَ أَعَدَّ اللهُ لَهُ فِي الْجَنَّةِ نُزُلًا، كُلَّمَا غَدَا أَوْ رَاحَ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 669

Ang pagpapaliwanag

Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak sa sinumang pumupunta sa masjid para sa pagsamba o kaalaman o para sa iba pa roon kabilang sa mga pagpapakay ng kabutihan sa alinmang oras: sa simula ng maghapon o sa wakas nito, na si Allāh ay naglaan nga para sa kanya ng isang lugar at isang pagpapanauhin sa Paraiso sa tuwing dumarating siya sa masjid sa isang gabi o isang maghapon.

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pagpunta sa masjid at ang paghimok sa pangangalaga sa ṣalāh sa konggregasyon doon sapagkat kay rami ng nakaaalpas sa lumiliban sa mga masjid na kabutihan, kainaman, pabuya, at pagpapanauhin na inihahanda ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) sa mga nagsasadya sa Bahay Niya.
  2. Kapag ang mga tao ay nagpaparangal sa sinumang dumarating sa mga bahay nila at nagkakaloob dito ng pagkain, si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay higit na mapagparangal kaysa sa nilikha Niya! Kaya ang sinumang nagsadya sa bahay ni Allāh, magpaparangal Siya rito at maghahanda Siya para rito ng isang dakilang malaking tuluyan.
  3. Ang pagkatuwa at ang pagkainggit sa pagpunta sa mga masjid dahil ito ay inihahanda para sa kanya bilang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya gabi ayon sa bilang ng pagpunta niya.

Paglalahad ng mga salin

51 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية