1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Pagpapanibago Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng: Bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-­llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allāh at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}

عَنْ عُثْمَانَ بْنِ أَبِي الْعَاصِ الثَّقَفِيِّ رضي الله عنه أَنَّهُ شَكَا إِلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَجَعًا يَجِدُهُ فِي جَسَدِهِ مُنْذُ أَسْلَمَ، فَقَالَ لَهُ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«ضَعْ يَدَكَ عَلَى الَّذِي تَأَلَّمَ مِنْ جَسَدِكَ، وَقُلْ بِاسْمِ اللهِ ثَلَاثًا، وَقُلْ سَبْعَ مَرَّاتٍ أَعُوذُ بِاللهِ وَقُدْرَتِهِ مِنْ شَرِّ مَا أَجِدُ وَأُحَاذِرُ».

Ayon kay `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay dumaing sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pananakit na nararamdaman niya sa katawan niya magmula ng umanib siya sa Islām. Kaya naman nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan):
"Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng: Bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-­llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allāh at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2202

Ang pagpapaliwanag

Dinapuan si `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (malugod si Allāh sa kanya) ng isang pananakit na halos magpasawi sa kanya kaya pinuntahan siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang dumalaw sa kanya. Nagturo ito sa kanya ng isang panalanging papawiin ni Allāh buhat sa kanya ang bumaba sa kanya na karamdaman. Ito ay maglagay siya ng kamay niya sa parte na idinadaing niya, magsabi siya ng: "Bismi -­llāh (Sa ngalan ni Allāh)" nang makatatlo, pagkatapos magsabi siya nang pitong ulit na: "A`ūdhu (Nagpapakupkop ako) – dumudulog ako, nangungunyapit, at nagpapamuog ako – "bi-­llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu (kay Allāh at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko)" – laban sa hapdi sa kasalukuyang oras – "wa-uḥādhir (at pinangingilagan ko)" – at pinangangambahan kong mangyari sa hinaharap na kalungkutan at pangamba o laban sa pagpapatuloy ng karamdamang ito at pagkalat ng hapdi nito sa katawan.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng ruqyah ng tao sa sarili niya gaya ng nasaad sa ḥadīth.
  2. Ang paghihinaing nang walang panghihinawa at pagtutol ay hindi nakikisalungatan sa pananalig at pagtitiis.
  3. Ang pagdalangin ay kabilang sa kabuuan ng paggawa ng mga kadahilanan. Dahil dito, nararapat ang magpakalimita sa mga pananalita nito at mga bilang nito.
  4. Ang panalanging ito ay ukol sa bawat hapding pambahagi ng katawan.
  5. Ang paglalagay ng kamay sa kinalalagyan ng hapdi sa sandali ng pagsasagawa ng ruqyah sa pamamagitan ng panalanging ito.

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية