عَن أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ:
سَأَلَ رَجُلٌ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، إِنَّا نَرْكَبُ البَحْرَ، وَنَحْمِلُ مَعَنَا القَلِيلَ مِنَ الْمَاءِ، فَإِنْ تَوَضَّأْنَا بِهِ عَطِشْنَا، أَفَنَتَوَضَّأُ مِنَ الْبَحْرِ؟ فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «هُوَ الطَّهُورُ مَاؤُهُ، الحِلُّ مَيْتَتُهُ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū’ sa pamamagitan nito, mauuhaw kami. Kaya magsasagawa po ba kami ng wuḍū’ mula sa dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, Imām Ibnu Mājah, at Imām Aḥmad Sunan At-Tirmidhīy - 69

Ang pagpapaliwanag

May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi ito: "Tunay na kami ay sumasakay sa mga daong sa dagat para sa pangingisda o pangangalakal at nakawangis niyon at nagdadala kasama namin ng kaunting tubig na naaangkop para inumin. Kaya kung gagamit kami ng tubig na pang-inom para sa pagsasagawa ng wuḍū’ at paghuhugas, mauubos ito at hindi kami makatatagpo ng iinumin namin. Kaya pinapayagan kaya sa amin na magsagawa kami ng wuḍū’ mula sa tubig ng dagat?"
Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tubig ng dagat: "Ang tubig nito ay dalisay na nakapagdadalisay. Pinapayagan ang pagsasagawa ng wuḍū’ mula rito at ang pagpaligo nito. Ipinahihintulot ang pagkain ng lumalabas mula rito na mga isda, mga balyena, at iba pa sa mga ito, kahit pa natagpuan ang mga ito na lumutang na sa ibabaw nito nang hindi pinangisda."

من فوائد الحديث

  1. Ang patay ng hayop ng dagat ay ipinahihintulot kainin. Ang tinutukoy ng patay nito ay ang anumang namatay sa dagat kabilang sa mga hayop nito kabilang sa anumang hindi nakapamumuhay kundi sa dagat.
  2. Ang pagsagot sa tagapagtanong ng higit sa tinanong niya bilang pagpapalubos sa benepisyo.
  3. Ang tubig, kapag umiba ang lasa nito o ang kulay nito dahil sa isang bagay, ay nananatili sa pagkadalisay nito hanggat ang tubig ay nananatili sa reyalidad nito, kahit pa man tumindi ang kaalatan nito o ang init nito o ang lamig nito at tulad ng mga iyon.
  4. Ang tubig ng dagat ay nakapapawi ng malaking ḥadath at maliit na ḥadath at nakaaalis ng karumihang nangyari sa isang dalisay gaya ng isang katawan o isang kasuutan o iba pa roon.

Paglalahad ng mga salin

50 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية