1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Pagpapanibago Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}

عَنْ أَبِي مُوسَى رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يَبْسُطُ يَدَهُ بِاللَّيْلِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ النَّهَارِ، وَيَبْسُطُ يَدَهُ بِالنَّهَارِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ اللَّيْلِ، حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ مِنْ مَغْرِبِهَا».

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang tagagawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2759

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay tumatanggap ng pagbabalik-loob mula sa mga lingkod niya. Kaya kung nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon at nagbalik-loob siya sa gabi, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya; at kung nagkasala naman siya ng isang pagkakasala sa gabi at nagbalik-loob siya sa maghapon, tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya. Nag-aabot Siya ng kamay Niya (kaluwalhatian sa Kanya) para sa pagbabalik-loob dala ng pagkatuwa rito at dala ng pagtanggap dito. Hindi natitigil ang pinto ng pagbabalik-loob na nakabukas hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito bilang pagpapahayag ng pagwawakas ng Mundo. Kapag sumikat ito [mula sa kanluran], tunay na ang pinto ng pagbabalik-loob ay isasara.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ay nagpapatuloy hanggat ang pinto nito ay nakabukas. Isasara ang pinto nito sa pagsikat ng araw mula sa kanluran nito. Makapagbabalik-loob ang tao bago ng kalampag ng kamatayan: ang pag-abot ng kaluluwa sa lalamunan.
  2. Ang hindi pagkalagot ng pag-asa at pagkawala ng pag-asa dahilan sa pagkakasala sapagkat tunay na ang pagpapaumanhin ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at ang pagkaawa Niya ay malawak at ang pinto ng pagbabalik-loob ay nakabukas.
  3. Ang mga Kundisyon ng Pagbabalik-loob: A. Ang pagkalas sa pagsuway, B. Ang pagsisisi sa pagkagawa nito, C. Ang pagtitika na hindi manumbalik dito magpakailanman. Ito ay kung naging hinggil sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya). Kung ito naman ay nakaugnay sa isa sa mga karapatan ng mga tao, isinasakundisyon para sa katumpakan ng pagbabalik-loob na gampanan niya ang karapatang iyon sa tagapagmay-ari niyon o magpaumanhin sa kanya ang tagapagmay-ari ng karapatan.

Paglalahad ng mga salin

56 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية