عن أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«تَسَحَّرُوا، فَإِنَّ فِي السَّحُورِ بَرَكَةً».

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 1923

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkain ng saḥūr, ang pagkain sa huling bahagi ng gabi bilang paghahanda para sa pag-aayuno, dahil dito ay may pagpapala na maraming kabutihan gaya ng pabuya at gantimpala, pagdarasal sa oras ng huling bahagi ng gabi, pangingilag magkasala sa pag-aayuno, pagpapakasigla para rito, at pagpapagaan sa hirap dito.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkain ng saḥūr at pagsunod sa utos na pambatas ng pagsasagawa nito.
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar sa Fatḥ Al-Bārī: Ang pagpapala sa saḥūr ay natatamo sa sarisaring paraan. Ang mga ito ay ang pagsunod sa Sunnah, ang pagsalungat sa mga may kasulatan, ang pagpapakalakas sa pamamagitan nito sa pagsamba, ang pagkadagdag sa kasiglahan, ang pagtulak sa kasagwaan ng kaasalan na pinupukaw ng gutom, ang pagkakadahilan ng kawanggawa sa sinumang humihingi sa sandaling iyon o nakakasama sa pagkain, ang pagkakadahilan ng pag-alaala [kay Allāh] at pagdalangin sa oras ng malamang na pagtugon, at ang pagkahabol sa paglalayon ng pag-aayuno para sa sinumang nakalingat nito bago matulog.
  3. Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nag-uugnay siya ng kahatulan sa kasanhian upang lumuwag ang dibdib at makilala sa pamamagitan nito ang katayugan ng Batas ng Islām.
  4. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Natatamo ang saḥūr sa pamamagitan ng higit na kaunti sa kinukunsumo ng tao na makakain at maiinom.

Paglalahad ng mga salin

47 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
NE नेपाली النيبالية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية