عَنِ الْبَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
أَمَرَنَا رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِسَبْعٍ، وَنَهَانَا عَنْ سَبْعٍ: أَمَرَنَا بِعِيَادَةِ الْمَرِيضِ، وَاتِّبَاعِ الْجَنَازَةِ، وَتَشْمِيتِ الْعَاطِسِ، وَإِبْرَارِ الْقَسَمِ، أَوِ الْمُقْسِمِ، وَنَصْرِ الْمَظْلُومِ، وَإِجَابَةِ الدَّاعِي، وَإِفْشَاءِ السَّلَامِ، وَنَهَانَا عَنْ خَوَاتِيمَ -أَوْ عَنْ تَخَتُّمٍ- بِالذَّهَبِ، وَعَنْ شُرْبٍ بِالْفِضَّةِ، وَعَنِ الْمَيَاثِرِ، وَعَنِ الْقَسِّيِّ، وَعَنْ لُبْسِ الْحَرِيرِ وَالْإِسْتَبْرَقِ وَالدِّيبَاجِ.
المزيد
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nag-utos sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pito at sumaway siya sa amin laban sa pito. Nag-utos siya sa amin ng pagdalaw sa maysakit, pagdalo sa libing, pagsasagawa ng tashmīt sa bumahin, pagtupad sa panunumpa o sinumpaan, pag-aadya sa naaapi, pagtugon sa paanyaya, at pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan. Sumaway siya sa amin laban sa mga singsing o laban sa pagsisingsing sa pamamagitan ng ginto, laban sa pag-inom sa pilak, laban sa mga mītharah, laban sa qassīy, laban sa pagsusuot ng seda, brokado, at pelus.}