عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَسِيرُ فِي طَرِيقِ مَكَّةَ، فَمَرَّ عَلَى جَبَلٍ يُقَالُ لَهُ جُمْدَانُ، فَقَالَ: «سِيرُوا هَذَا جُمْدَانُ، سَبَقَ الْمُفَرِّدُونَ» قَالُوا: وَمَا الْمُفَرِّدُونَ يَا رَسُولَ اللهِ؟ قَالَ: «الذَّاكِرُونَ اللهَ كَثِيرًا وَالذَّاكِرَاتُ».

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang tumatahak sa daan ng Makkah saka naparaan siya sa isang bundok na tinatawag na Jumdān. Kaya nagsabi siya: "Tumahak kayo. Ito ay Jumdān. Nanguna ang mga tagapagbukod-tangi." Nagsabi sila: "Ano po ang mga tagapagbukod-tangi, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang mga lalaking tagapag-alaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing tagapag-alaala."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim Ṣaḥīḥ Muslim - 2676

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng katayuan ng mga tagapag-alaala kay Allāh nang madalas, na sila ay namukod-tangi nga at nanguna sa iba sa kanila sa pagtamo ng mga antas na pinakamatataas sa mga hardin ng Kaginhawahan. Nagwangis siya sa kanila sa bundok ng Jumdān na namukod-tangi sa iba pa rito na mga bundok.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig sa dalas ng pag-alaala kay Allāh at pagkaabala rito sapagkat tunay na ang pangunguna sa Kabilang-buhay ay magiging dahil sa dami lamang ng mga pagtalima kay Allāh at pagpapakawagas sa mga pagsamba.
  2. Ang pag-alaala kay Allāh ay sa pamamagitan ng dila lamang o sa pamamagitan ng puso lamang o sa pamamagitan ng dila at puso nang magkasama, na siyang pinakamataas sa antas.
  3. Kabilang sa pag-alaala ang pagsambit ng mga panalanging pangkapahayagang nilimitahan gaya ng mga dhikr sa umaga at gabi at sa mga katapusan ng mga ṣalāh na isinatungkulin at iba pa sa mga ito.
  4. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: "Alamin mo na ang kainaman ng pag-alaala ay hindi nalilimitahan sa tasbīḥ (pagsabi ng Subḥāna ­llāh), tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa -­llāh), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), takbīr (pagsabi ng Allāhu akbar), at tulad ng mga ito; bagkus ang bawat tagagawa para kay Allāh (napakataas Siya) ng pagtalima, siya tagapag-alaala kay Allāh (napakataas Siya)."
  5. Ang pag-alaala kay Allāh ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng katatagan. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya): {O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay Allāh nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur'ān 8:45)
  6. Ang punto ng pagwawangis sa pagitan ng mga tagapag-alaala at bundok ng Jumdān ay ang pamumukod-tangi at ang pagkahiwalay. Ang bundok ng Jumdān ay namumukod-tangi sa mga bundok saka ganito ang mga tagapag-alaala kay Allāh (napakataas Siya). Ang namumukod-tangi ay ang namukod-tangi ang puso niya at ang dila niya sa pag-alaala sa Panginoon niya, kahit pa man siya ay nasa gitna ng mga tao. Napapalagay siya sa mga oras ng pagsasarili at naiilang siya sa dalas ng pakikihalubilo sa mga tao. Ang punto ng pagwawangis ay maaaring maging ang pag-alaala ay kadahilanan ng pagpapatatag sa Relihiyon kung paanong ang mga bundok ay isang kadahilanan ng katatagan ng lupa; o maaaring maging ang pangunguna sa mga kabutihan ay sa Mundo at Kabilang-buhay yayamang ang manlalakbay mula sa Madīnah papuntang Makkah, kapag nakarating siya sa Jumdān, ito ay ang palatandaan ng pagdating sa Makkah at ang sinumang dumating doon ay naging isang nangunguna. Gayon ang tagapag-alaala kay Allāh sapagkat siya ay nangunguna sa iba pa sa kanya dahil sa dami ng pag-alaala niya kay Allāh (napakataas Siya). Si Allāh ay higit na maalam.

Paglalahad ng mga salin

57 Ang Wika
EN English Ang Balarila ng Wikang Ingles
UR اردو Ang Wikang Urdu
ES Español Espanyol
ID Indonesia Ang Wikang Indonesiyano
UG ئۇيغۇرچە Uyghur
BN বাংলা Ang Wikang Bangla
TR Türkçe Ang Wikang Turko
RU Русский Ang Wikang Ruso
BS Bosanski Ang Wikang Bosniyo
SI සිංහල Sinhala
HI हिन्दी Indian
ZH 中文 Ang Wikang Tsino
FA فارسی Ang Wikang Persiyano
VI Tiếng Việt Vietnamese
KU Kurdî Kurdish
HA Hausa Hausa
PT Português Portuges
ML മലയാളം Malayalam
TE తెలుగు Telugu
SW Kiswahili Swahili
TA தமிழ் Tamil
MY မြန်မာ Burmese
TH ไทย Thailand
DE Deutsch Aleman
PS پښتو Pushto
AS অসমীয়া Asami
SQ Shqip Albaniyano
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча Luqadda qer-qeesiya
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá Luqadda yuruuba
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda Luqadda kiniya ruwadiga
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy Luqadda malgaashka
OM Oromoo Luqadda Oromaha
KN ಕನ್ನಡ Luqadda kinaadiga
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan Luqadda Asariga
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية